Moira dela Torre, nag-ala Tailor Swift sa kanyang makahulugang kanta sa concert niya

Moira dela Torre, nag-ala Tailor Swift sa kanyang makahulugang kanta sa concert niya

- Pinatunayan ni Moira Dela Torre na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit

- Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira

- Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga mensahe ng kanta niya sa kanyang personal na karanasan

- Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan si Moira dela Torre sa katatapos lang na concert niya. Ito ay dahil sa kanyang mga mapanakit na kanta na may matinding mga mensahe.

Moira dela Torre, nag-ala Tailor Swift sa kanyang makahulugang kanta sa concert niya
Moira dela Torre, nag-ala Tailor Swift sa kanyang makahulugang kanta sa concert niya (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Ilang netizens ang naghambing sa kanya kay Taylor Swift na kadalasang mula sa kanyang karanasan ang mga kanta.

Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses. Hindi napigilan ng netizens na iugnay ang lyrics ng kanta ni Moira sa nangyari sa kanya lalo at nabanggit nito ang aniya'y sinayang niyang limang taon sa taong ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Moira Rachelle Bustamante Dela Torre o mas kilala sa kanyang screen name na Moira Dela Torre ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019.

Minabuti na ni Moira na magsalita kaugnay sa paghihiwalay nila ni Jason. Ito ay matapos lumabas ang mga espikulasyon na nag-cheat umano siya sa kanyang mister. Diretsahang sinabi ni Moira na isinabuhay niya ang kanyang wedding vow at hindi siya nag-cheat sa asawa. Aniya, kahit hindi na sila magkasama ni Jason ay nasasaktan siyang nakikita ang mga gawa-gawang kwento na aniya ay malayo sa katotohanan.

Nagluksa si Moira sa pagpanaw ng kanyang longtime personal driver. Sa isang post ay binahagi niya ang kanyang mensahe para sa kanyang driver na tinawag niyang Kuya Baj. Pinasalamatan niya ito sa pagiging mabuting kaibigan umano nito sa kanya at sa pagiging pamilya kay Moira. Bumuhos naman ang pakikiramay kay Moira mula sa mga kasamahan niya sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel