Vice Ganda, binati ang aniya'y mga "clean at mga kapwa niya dirty"

Vice Ganda, binati ang aniya'y mga "clean at mga kapwa niya dirty"

- Binati ni Vice Ganda ng Happy Sunday ang aniya'y mga taong "clean at mga kapwa niya dirty"

- Matatandaang sa kanyang naunang tweet ay sinabi ni Vice na sablay talaga siya sa biro niya kay Karylle at aniya ay babawi siya

- Naibahagi niya rin na okay sila ni Karylle ngunit nag-sorry pa rin siya matapos ang kanyang pagbibiro

- Pabiro ding sinagot ni Vice ang tungkol dito na aniya ay mag-vivideo sila ni Karylle na nagsasabunutan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Vice Ganda ng makahulugang pagbati para sa aniya ay mga "clean at mga kapwa niya dirty". Matatandaang sa kanyang naunang tweet ay aminado si Vice na sablay talaga siya sa biro niya kay Karylle at aniya ay babawi siya.

Vice Ganda, binati ang aniya'y mga "clean at mga kapwa niya dirty"
Vice Ganda, binati ang aniya'y mga "clean at mga kapwa niya dirty" (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram
Happy Sunday sa mga clean at mga kapwa ko dirty! Hayabayabayu!!!!

Read also

Zsa Zsa Padilla, hiling na mabigyan ng mas mahabang exposure si Karylle

Nitong nakaraang linggo ay naging usap-usapan ang Unkabogable star matapos magtrending ang kanyang pagbibiro sa kanyang co-host na si Karylle.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, nilinaw niyang maayos sila ni Karylle at kahit sinabi nito na hindi siya na-offend ay nag-sorry pa rin si Vice.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilalla siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Zeinab Harake, proud na kinaya ang Indonesia trip mag-isa

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel