Zsa Zsa Padilla, hiling na mabigyan ng mas mahabang exposure si Karylle

Zsa Zsa Padilla, hiling na mabigyan ng mas mahabang exposure si Karylle

- Naibahagi ni Zsa Zsa Padilla ang kanyang pananaw sa pinag-uusapang biro ni Vice Ganda nsa anak niyang si Karylle

- Aniya, sa tingin niya ay hindi naman dinamdam ni Karylle ang tungkol dito dahil hindi naman ito nakapagkwento sa kanya

- Gayunpaman, kagaya sa mga hinihiling ng mga fans ni Karylle, nais niya ring mabigyan ng mas mahabang exposure ang kanyang anak

- Naniniwala siyang deserve ni Karylle na mabigyan ng mas mahabang exposure dahil mahusay naman daw itong host

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hiling ni Zsa Zsa Padilla na mabigyan ng mas mahabang exposure ang anak niyang si Karylle pagdating sa kanyang pagho-host. Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori, naibahagi ni Zsa Zsa ang kanyang pananaw sa pinag-uusapang biro ni Vice Ganda nsa anak niya.

Read also

Lian Paz, naiyak sa napanood na music video tungkol sa pagiging single parent

Zsa Zsa Padilla, hiling na mabigyan ng mas mahabang exposure si Karylle
Zsa Zsa Padilla, hiling na mabigyan ng mas mahabang exposure si Karylle (@zsazsapadilla)
Source: Instagram

Naniniwala siyang deserve ni Karylle na mabigyan ng mas mahabang exposure dahil mahusay naman daw itong host. Aniya, sa tingin niya ay hindi naman dinamdam ni Karylle ang tungkol dito dahil hindi naman ito nakapagkwento sa kanya.

Probably she didn't even take any offense but I also wish of course along with her fans that she would be given more exposure because sh'e really an excellent host. She is really wonderful at her job.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ana Karylle Padilla Tatlonghari o mas kilala sa kanyang screen name na Karylle ay binansagang OPM Showbiz Royalty of the Philippines. Isa siyang singer-songwriter, actress, dancer, TV host, model, musical theater performer, at entrepreneur.

Matatandaang kabilang si Karylle sa mga It's Showtime hosts na hindi napigilan ang emosyon sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa It's Showtime. Ani Karylle, hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya dahil aniya ay nawalan na siya ng pag-asa. Inihingi niya ng dispensa na nawalan daw siya ng pag-asa kaugnay sa pinagdaanan ni Vhong nang makulong ito. Kabilang si Karylle sa pinakamatagal na naging host ng It's Showtime kasama si Vhong kaya matagal na ang kanilang samahan sa naturang show.

Kamakailan ay nag-tweet si Vice Ganda matapos mag-trending ang video ng biruan nila ni Karylle sa opening ng It's Showtime. May mga pumuna kasi sa kanya kaugnay sa umano'y hindi magndang biro nito sa kanyang co-host. Sa kanyang tweet, sinabi ni Vice na inaamin niyang sablay siya doon kaya aniya ay babawi siya. Ang pinag-uusapang video ay ang opening sa noontime show kung saan kumakanta ang mga hosts ng It's Showtime habang nagbibiruan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel