Lian Paz, naiyak sa napanood na music video tungkol sa pagiging single parent

Lian Paz, naiyak sa napanood na music video tungkol sa pagiging single parent

- Binahagi ni Lian Paz na hindi niya napigilang maiyak matapos mapanood ang music video na binahagi ng December Avenue

- Ang naturang video ay pagbibigay-pugay sa mga kagaya niyang single parent kaya aniya ay naiyak siya

- Aniya, ang partner niyang si John Cabahug ang nakita niya sa video na siyang dumating sa buhay niya na kanyang naging katuwang

- Sa kanyang post ay pinasalamatan din ni Lian si John sa aniya'y lahat ng tulong nito sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Lian Paz ang conversation nila ng bandang December Avenue kung saan pinasalamatan niya ang mga ito sa binahagi nilang music video. Ang naturang video ay pagbibigay-pugay sa mga kagaya niyang single parent kaya aniya ay naiyak siya.

Lian Paz, naiyak sa napanood na music video tungkol sa pagiging single parent
Lian Paz, naiyak sa napanood na music video tungkol sa pagiging single parent (@liankatrina)
Source: Instagram

Bago pa napanuod ang video ay emosyonal na umano siya matapos niyang makarinig ng testimony na aniya ay nakaantig sa kanya. Pinasalamatan niya ang December Avenue sa magandang mensahe nila sa kanilang kanta.

Read also

McCoy de Leon, inamin na nagkabalikan na sila ni Elisse Joson

Iyak ako ng iyak kakatapos ko lang mag mass hearing a painful yet beautiful testimony and right after, God showed me a message from December Avenue. Thank you @decemberavenue for your message and your beautiful song! Praise God!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Lian Paz na dating EB Babe ang dating asawa ni Paolo Contis. Maaalalang pinag-usapan din noong September 2012 ang hiwalayan ng mag-asawang Paolo at Lian. Sa kasalukuyan, naninirahan sila Lian at ang pamilya nila ni John Cabahug sa Cebu mula nang talikuran nito ang showbiz dahil priority niya ang pamilya nila ni John. Dating basketball player si John at isang businessman sa Cebu.

Matatandaang inalala ng partner ni Lian na si John ang matinding pinagdaanan ng anak nilang si Xalene matapos ang isang taon. Ibinahagi nito ang video kung gaano niya inalalayan si Xalene habang nasa ospital. Ito ay matapos makagat ng aso sa bibig ang anak nila at kinailangang maturukan ng anti rabies. Ibinahagi din ni Lian sa kanyang Instagram story ang post na ito ni John.

Read also

Pokwang, nagpost tungkol sa aniya'y magkaibang mukha ng narcissist

Sa isang panayam sa Pika Pika, naibahagi ni John ang tungkol sa kagustuhan niyang maging legal na ama ng mga anak ni Lian sa dati nitong asawang si Paolo Contis. Para sa kanya, kasal na lamang ang kulang sa kanila ni Lian. Aniya, sobrang maayos ang relasyon nilang dalawa. Nag-propose umano siya kay Lian kahit hindi pa natatapos ang annulment ng kasal nina Lian at Paolo at naniniwala siyang dadating din ang panahong kanilang hinintay para makapagpakasal na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel