Asawa ni Lian Paz na si John Cabahug, inalala ang nangyari sa anak nilang si Xalene
- Muling inalala ng asawa ni Lian Paz na si John Cabahug ang matinding pinagdaanan ng anak nilang si Xalene isang taon na ang nakakalipas
- Ibinahagi nito ang video kung gaano niya inalalayan si Xalene habang nasa ospital
- Ito ay matapos makagat ng aso sa bibig ang anak nila at kinailangang maturukan ng anti rabies
- Ibinahagi din ni Lian sa kanyang Instagram story ang post na ito ng kanyang asawa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Inalala ni John Cabahug ang matinding pinagdaanan ng anak nila ni Lian Paz na si Xalene isang taon na ang nakakalipas. Aniya, hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan ngunit kinailangan niyang lakasan ang kanyang loob para kay Xalene.
Exactly a year ago…seeing xalene in pain breaks my heart but kailangan matibay ang loob ko for her to trust the nurses. What she had to go through during this day always reminds me as a parent to be tough when situation like this happens pero ang hirap.
Ayon din kay John, 15 injection ang tinurok kay Xalene at maging siya ay nasaktang makita ang paghihirap ng bata.
Dog bite sa lips. 15 injections anti rabies sa lip and cheek nya that day. Sobrang kawawa. Sakit makita.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Lian Paz na dating EB Babe ang dating asawa ni Paolo Contis. Maaalalang pinag-usapan din noong September 2012 ang hiwalayan ng mag-asawang Paolo at Lian..
Sa kasalukuyan, naninirahan sila Lian at ang pamilya nila ni John Cabahug sa Cebu mula nang talikuran nito ang showbiz dahil priority niya ang pamilya nila ni John. Dating basketball player si John at isang businessman sa Cebu.
Matatandaang muling nadawit si Lian at ang kanyang pamilya sa kontrobersiya na kinasangkutan ng kanyang dating asawa. Gayunpaman, mas pinili ni Lian na huwag nang magsalita kaugnay sa isyu.
Humingi naman ng dispensa si Paolo sa dating asawa at sa mga anak nito dahil sa pagkakadawit nila sa kontrobersiya gayong tahimik at masaya na sila sa kanilang bagong buhay.
PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."
Source: KAMI.com.gh