Vice Ganda, inaming sablay sa joke niya kay Karylle: "Bawi po ako. Bawi right away"

Vice Ganda, inaming sablay sa joke niya kay Karylle: "Bawi po ako. Bawi right away"

- Nag-tweet si Vice Ganda matapos mag-trending ang video ng biruan nila ni Karylle sa opening ng It's Showtime

- May mga pumuna kasi sa kanya kaugnay sa umano'y hindi magndang biro nito sa kanyang co-host

- Sa kanyang tweet, sinabi ni Vice na inaamin niyang sablay siya doon kaya aniya ay babawi siya

- Ang pinag-uusapang video ay ang opening sa noontime show kung saan kumakanta ang mga hosts ng It's Showtime habang nagbibiruan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa tweet ni Vice Ganda, wala na itong binahaging pagdadahilan kundi inamin lang niya na sumablay siya at babawi siya. Ito ay kasunod ng pag-viral ng biro niya kay Karylle sa opening ng It's Showtime.

Vice Ganda, inaming sablay sa joke niya kay Karylle: "Bawi po ako. Bawi right away"
Vice Ganda, inaming sablay sa joke niya kay Karylle: "Bawi po ako. Bawi right away" (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Matapos ang pag-trend ng pangalan nila ni Karylle sa Twitter, may mga lumabas nang post at article tungkol sa pangyayari.

Read also

Dina Bonnevie, trending matapos ang umano'y rebelasyon tungkol kina Alex at Nadine

Marami ang nagkomento sa kung paano sinagot ni Vice ang sinabi ni Karylle tungkol sa umano'y request ni Vhong. Ani Karylle, nag-rehearse si Vhong ngunit binigay ni Vice ang kanta ni Vhong.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Anong problema natin Karylle? ito ang naging tugon ni Vice sa sinabi ni Karylle.

Sagot naman ni Karylle, natatawa lang sila dahil nagpractice si Vhong. Hindi na sinakyan ni Vice ang kwentong ito ni Karylle at sinabihan siyang, "Okay na yan Karylle."

May mga humanga naman kay Vice sa mabilis nitong pag-ako ng kanyang kamalian:

I'm literallg not updated sa issue, lol. But the fact she admits her flaws and kind enough to tell everyone that she is sorry about it. Truly appreciated.
Dun palang sa inaacknowledge mo yung pagkakamali mo, proud pa rin ako sayo.

Read also

Andrew Schimmer sa namayapang fiancé: "I will make you proud"

Okay lang yun ganda, normal lang yun na sumablay ka minsan atleast marunong kang mag acknowledge and bawi next time

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilalla siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel