Andrew Schimmer sa namayapang fiancé: "I will make you proud"

Andrew Schimmer sa namayapang fiancé: "I will make you proud"

- Binahagi ni Andrew Schimmer ang picture nila ng kanyang namayapang partner na si Jho Rivero noong aniya ay nagkakatitigan pa sila

- Na-miss niya raw na alagaan si Jho noong panahong kasama pa nila ito

- Bukod sa kanyang pagka-miss sa kanyang pinakamamahal na maybahay, positibo din ang mensahe ni Andrew at aniya ay sisiguraduhin niyang magiging proud si Jho sa kanya

- Matatandaang Disyembre nitong nakaraang taon nang tuluyang bumigay ang katawan ni Jho matapos ang pagkaka-ospital niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Andrew Schimmer, nami-miss niyang alagaan ang fiancé niyang si Jho Rivero. Bukod sa kanyang pagka-miss sa kanyang pinakamamahal na maybahay, positibo din ang mensahe ni Andrew at aniya ay sisiguraduhin niyang magiging proud si Jho sa kanya.

Andrew Schimmer sa namayapang fiancé: "I will make you proud"
Andrew Schimmer sa namayapang fiancé: "I will make you proud" (@facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

Aniya ay na-miss niya din yung pagkakataon na nagagawa pa nilang matitigan ang mata ng isa't-isa.

Read also

Dina Bonnevie, nilinaw na okay sila ni Alex Gonzaga at wala siyang galit

It’s been Months now since you’ve left… I missed taking care of you. I missed those moments when we can still look at each other’s eye. Until dimensions meet, I will see you again my dear. watch me now, I will make you proud.

Marami pa rin ang naghayag ng mensahe ng pagsuporta kay Andrew at inuudyukan siyang maging matatag para sa kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Nagdala ng bulaklak ang anak ni Andrew na si Xander para sa kanyang mommy na si Jho. Aniya, pink at white ang pinili niyang bulaklak dahil alam niyang gusto ng mommy niya ang ganoong kulay ng bulaklak. Ito umano ang Christmas gift niya para sa kanyang mommy. Marami ang naantig sa video na ito kung saan kinakausap ni Xander ang kanyang mommy.

Read also

Dina Bonnevie, itinangging pinagsisigawan noon si Alex Gonzaga

Dinalaw ng mga anak ni Andrew ang kanilang Mommy na si Jho Rivero sa puntod nito. Sa Facebook story ng Facebook page nilang The Schimmers, makikita ang magkapatid sa tabi ng puntod ng kanilang mommy. Nakalagay naman ang mga salitang "New Year with Mommy" sa binahaging picture. Marami ang naantig at nalungkot lalo na para sa mag-aamang naiwan ni Jho na nagdiwang ng pasko at bagong taon na hindi nila kasama si Jho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel