Dina Bonnevie, nilinaw na okay sila ni Alex Gonzaga at wala siyang galit

Dina Bonnevie, nilinaw na okay sila ni Alex Gonzaga at wala siyang galit

- Naibahagi ni Dina Bonnevie na okay sila ni Alex Gonzaga matapos ang insidenteng naganap 12 taon na ang nakalipas

- Aniya, matapos nilang magkaiyakan ay naging okay na sila at sa katunayan ay nag-guest pa si Ms. Dina sa show ni Alex

- Aniya, nagkabiruan pa daw sila at si Alex mismo ang naghost nang mag-guest siya sa isang show na hindi na siya pinangalanan

- Nilinaw niya din na wala siyang galit kay Alex at sinagot lamang niya ang tanong ng press sa isang press conference

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Dina Bonnevie na nagkaiyakan umano sila ni Alex Gonzaga matapos ang komprontasyon na naganap 12 taon na ang nakakalipas. Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, naibahagi niyang nag-guest pa si Ms. Dina sa show ni Alex.

Read also

Dina Bonnevie, itinangging pinagsisigawan noon si Alex Gonzaga

Dina Bonnevie, nilinaw na nagkaayos na sila ni Alex Gonzaga at wala siyang galit
Dina Bonnevie, nilinaw na nagkaayos na sila ni Alex Gonzaga at wala siyang galit (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Aminado si Ms. Dina na maging siya ay naiyak dahil napagsalitaan niya si Alex para malaman nito na hindi na tama ang kanyang ginagawa. Nilinaw niya din na wala siyang galit kay Alex at sinagot lamang niya ang tanong ng press sa isang press conference.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Source: KAMI.com.gh

Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel