Dina Bonnevie, itinangging pinagsisigawan noon si Alex Gonzaga

Dina Bonnevie, itinangging pinagsisigawan noon si Alex Gonzaga

- Pinabulaanan ni Dina Bonnevie ang napabalitang nasigawan niya umano si Alex Gonzaga noon

- Subalit siniwalat niyang si Alex nga ang tinutukoy niyang aktres na kanyang nakompronta sa set ng pinagsamahan nilang serye

- Aniya, hindi lamang siya ang may puna sa inaasal ni Alex sa kanilang set ngunit siya ang nagmistulang 'spokesperson' ng mga kasama

- Naikwento rin niyang maging siya ay naiyak gayung bumuhos ang kanyang emosyon sa naturang komprontasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin ng batikang aktres na si Dina Bonnevie na si Alex Gonzaga nga ang umano'y nakompronta niyang celebrity dahil sa inaasal umano nito sa set ng kanilang napagsamahang serye ang P.S. I Love You.

Dina Bonnevie, itinangging pinagsisigawan noon si Alex Gonzaga
Dina Bonnevie (Fast Talk with Boy Abunda)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na mas binigyang linaw pa ni Dina ang nangyari at isa na rito ay ang napabalitang paninigaw umano niya kay Alex.

Read also

Dina Bonnevie, isiniwalat na noo'y nagalit umano si Alex Gonzaga kay Nadine Lustre

"Hindi totoo na pinagsisigawan ko siya mula ulo hanggang paa kase ‘yung setting namin nasa simbahan," paliwanag ni Dina.

Hindi lamang umano siya ang nakakapuna ng inaasal umano ni Alex sa set, subalit si Dina nagmistulang tagapagsalita ng mga kasama.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"There were other co-workers getting irked about ‘yung working habits niya. Gabby, Cheska Iñigo, si Nadine Lustre... we were all together and nobody had the strength or the audacity to come up to her and talk to her. So, okay ako ang magiging spokesperson," aniya.

Naikwento rin niya ang iba pang mga nasabi niya sa kapatid ni Toni Gonzaga.

"Sa akin Alex, Please kinakausap kita ng maayos. If you wanna stay long in this business, you cannot last kung ganyan ang attide mo. Palagi kang late, dito ka pa maliligo sa set and you know you cannot even memorize your lines, 'di ka makaiyak," dagdag pa nito.

Read also

RR Enriquez sa cake issue ni Alex Gonzaga: "Hindi naman ako sobrang namalian"

"Ang ending? Nag-iyakan kami and then okay na. Naiyak na rin ako because I had to spill my heart out," paliwanag pa ni Dina na kamakailan ay nagdiwang ng kanyang 61st birthday.

Mapapanood ang kabuuan ng kanyang pahayag sa Fast Talk With Boy Abunda:

Muling lumutang at gumawa muli ng ingay ang naikwento na ito ni Miss Dina Bonnevie patungkol umano kay Alex Gonzaga nang mag-trending ang nahuli kamakailan dahil sa ppamamahid nito ng icing ng kanyang cake sa waiter na nagdadala nito.

Sinabing nagkausap na sina Alex, nakahingi na umano ng tawad si Alex sa naturang waiter sa pamamagitan ng isang pahayag na pirmado ng umano'y na-agrabiyado.

Sa 20th anniversary show ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga, tila napagbiruan nilang magkapatid ang tungkol sa cake. Ani Toni, birthday niya nang araw na iyon kung kailan ginanap ang kanyang concert subalit siniguro raw niyang inilayo nila ang lahat ng cake kay Alex.

Read also

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jorhomy sa ika-40 days nito

Sa post mismo ni Alex bilang pagbati sa kanyang kapatid, isang netizen ang nag-suggest na magpa-cake si Alex para kay Toni. Nag-reply ito sa netizen at sinabing nilalayo talaga siya sa mga cake.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel