Dina Bonnevie, isiniwalat na noo'y nagalit umano si Alex Gonzaga kay Nadine Lustre

Dina Bonnevie, isiniwalat na noo'y nagalit umano si Alex Gonzaga kay Nadine Lustre

- Isiniwalat ni Dina Bonnevie na nagalit umano si Alex Gonzaga kay Nadine Lustre

- Bahagi pa rin ito ng naging komprontasyon niya umano kay Alex sa set ng pinagsamahan nilang serye

- Aniya, pinayuhan lamang niya ito kung gusto umano nitong tumagal sa industriya

- Pinangalanan na rin umano ni Dina na si Alex nga umano ang tinutukoy niyang new celebrity noon na kanyang napagsabihan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila may bago na naman umanong pasabog si Dina Bonnevie ukol sa kontrobersyal na celebrity ngayon na si Alex Gonzaga.

Dina Bonnevie, isiniwalat na nagalit umano si Alex Gonzaga kay Nadine Lustre
Alex Gonzaga (Alex Gonzaga Official)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naisiwalat ng batikang aktres na nagalit umano si Alex Gonzaga kay Nadine Lustre.

Bahagi pa rin umano ito ng pagkompronta niya 'di umano kay Alex na kapansin-pansin ang mga hindi magagandang nagagawa nito tulad ng pagiging late sa set nila ng pinagsamahang serye.

Read also

Dina Bonnevie, nilinaw na okay sila ni Alex Gonzaga at wala siyang galit

"Sa akin Alex, Please kinakausap kita ng maayos. If you wanna stay long in this business, you cannot last kung ganyan ang attide mo. Palagi kang late, dito ka pa maliligo sa set and you know you cannot even memorize your lines, 'di ka makaiyak," ang naidagdag pa ni Dina sa minsan na niyang naisiwalat tungkol sa noo'y 'di pa niya pinangalanang si Alex.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"And then nagagalit siya kay Nadine kung nauunang umiyak si Nadine, eksena niya daw 'yun," dagdag pa ni Dina.

Matatandang minsan na ring naikwento ni Alex nasinabing na-trauma umano siya sa ginawa sa kanya ng nilarawan niyang matandang aktres.

Gayunpaman, hindi man pinangalanan ni Alex ang tinutukoy na mas nakatatandang artista, marami ang nagsasabing si Dina umano ito.

Samantala, narito ang bahagi ng Fast Talk with Boy Abunda kung saan nagbigay ng pahayag si Dina Bonnevie. Na nai-share din ng Twitter user na si Jaycee.

Read also

Dina Bonnevie, itinangging pinagsisigawan noon si Alex Gonzaga

Si Alex Gonzaga ay isang komedyante, host at vlogger ng Pilipinas. Siya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Nag-trending si Alex sa Twitter kamakailan, dahil sa umano'y nagawa nito sa isang waiter sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Sinabing nagkausap na sina Alex, nakahingi na umano ng tawad si Alex sa naturang waiter sa pamamagitan ng isang pahayag na pirmado ng umano'y na-agrabiyado.

Sa 20th anniversary show ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga, tila napagbiruan nilang magkapatid ang tungkol sa cake. Ani Toni, birthday niya nang araw na iyon kung kailan ginanap ang kanyang concert subalit siniguro raw niyang inilayo nila ang lahat ng cake kay Alex.

Sa post mismo ni Alex bilang pagbati sa kanyang kapatid, isang netizen ang nag-suggest na magpa-cake si Alex para kay Toni. Nag-reply ito sa netizen at sinabing nilalayo talaga siya sa mga cake.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel