RR Enriquez sa cake issue ni Alex Gonzaga: "Hindi naman ako sobrang namalian"

RR Enriquez sa cake issue ni Alex Gonzaga: "Hindi naman ako sobrang namalian"

- Nagbigay komento si RR Enriquez sa umano'y pamamahid ni Alex Gonzaga ng icing ng cake sa mukha ng waiter

- Ani RR, hindi naman siya masyadong namalian sa nangyari at tila normal umano ang pagpahid ng icing ng cake tuwing may kaarawan

- Maaring ang kaibahan lang sa nangyari ay ang waiter na sinasabing hindi naman ka-close ng TV host/ actress

- Naikwento rin ni RR ang tungkol sa mga naririnig niyang ugali umano ng magkapatid na Gonzaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakawala kay Sawsawera Queen RR Enriquez ang cake issue kamakailan ni Alex Gonzaga.

RR Enriquez sa cake issue ni Alex Gonzaga: "Hindi naman ako sobrang namalian"
RR Enriquez (RR ENRIQUEZ Sawsawera Queen)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na para kay RR, hindi gaanong mali ang nagawa ni Alex na pamamahid ng icing ng cake sa isang waiter.

Aniya, madalas ang pahiran ng icing sa mga kaarawan at nagkataong kaarawan ni Alex nang mangyari ang kontrobersyal na insidente.

Read also

Alex Gonzaga, nanganganib umano sa mga endorsements ani Cristy Fermin

"Hello kapag birthday mo, you are allowed na magpahid ng cake... 'Yun nga lang kasi siguro hindi niya ka-close si waiter," ani RR.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ito kasi ang naging dahilan upang maglabasan ang kabi-kabilang komento ng netizens na umano'y nakatrabaho ni Alex.

Sinasabi ng mga ito na tila may ibang ugali si Alex maging ang ate nitong si Toni Gonzaga.

"Bilang galing ako sa showbiz. To be honest, totoo... totoo talaga may naririnig kaming ganyan about Toni and Alex. Pero hearsay e. Hindi mo alam. Like ako, hindi ko pwedeng sabihin na totoo yun. Never ko naman nakatrabaho si Toni Gonzaga. Si Alex, yes. Nakakasama ko siya minsan kapag may mga guestings ako, yung nandun o siya yung host. Never naman ako naka-encounter na anything bad sa kanya," pagbabalik-tanaw ni RR.

Read also

Ogie D sa kanseladong concert ni James Reid: "Flop ang ticket sales, 'yun ang nakarating sa'kin"

Kaya naman sa nangyari, magsilbing aral na lamang daw ito sa lahat lalo na kay Alex na maging maingat sa mga kakulitang nagagawa sa iba.

"Ako to be honest, nung napanood ko yung viral video ni Alex Gonzaga, hindi naman ako sobrang namalian. Ano bang masama sa pagpahid ng cake? HIndi naman niya sinampal sa mukha ni Kuya yung cake. I'm sure hindi naman intensyon ni Alex Gonzaga na bastusin yung waiter. I guess matututo na si Alex niyan," ani RR.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niyang RR Enriquez Sawsawera Queen:

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang vlog ni RR Enriquez sa kanyang YouTube channel. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Si RR ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014. Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel