RR, napakomento sa viral OFW na sinurpresa pa ang ikakasal na ex na nakarelasyon ng 13 taon

RR, napakomento sa viral OFW na sinurpresa pa ang ikakasal na ex na nakarelasyon ng 13 taon

- Hindi nakawala kay 'Sawsawera Queen' RR Enriquez ang viral video ng babaeng sinurpresa pa ang ex-BF niyang ikakasal na sa ibang babae

- Ang masaklap, 13 taon niyang nakarelasyon ang lalake na ipinagpalit umano siya sa karelasyon nito ng 4 na buwan

- Ani RR, nakalulungkot umano ang naturang video subalit nagbigay siya ng opinyon sa babae gayundin sa naging reaksyon ng lalake sa 'surpresa'

- Gayunpaman, naniniwala umano si RR na may kanya-kanyang dahilan ang magkabilang panig maging ang lalake kung bakit niya ito nagawa sa dating nobya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napakomento si 'Sawsawera Queen' RR Enriquez sa video ng OFW na sinurpresa umano ang ex-boyfriend na ikakasal na sa babaeng karelasyon sa apat na buwan lang.

RR, napakomento sa viral OFW na sinurpresa pa ang ikakasal na ex na nakarelasyon ng 13 taon
RR Enriquez (Sawsawera Queen YouTube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na 13 taon ang naging relaysyon ng OFW at dating nobyo at hindi umano nagkaroon ng closure ang kanilang hiwalayan.

Read also

Na-feature sa KMJS na umano'y agad naghiwalay dahil sa "girl BFF", nagkabalikan na

Kaya naman naisipan ng babae na isurpresa ang dating nobyo para maibulalas ang kanyang saloobin kung saan nagawa umano nitong ipagpalit ang 13 taon nilang relasyon sa apat na buwan ng bagong karelasyon na pakakasalan pa niya.

"Sobrang nakaka-sad makita yung video na ganun... But that's life, minsan ganun talaga e. Minsan may mga pangayyari talaga na hindi mo inaasahan na ganun yung mangyayari pero, at least nakapag-usap na sina ate at si kuya, nagkaroon na ng closure. Although masakit talaga pero kailangang tanggapin lalo na sa part ni Ate Girl," ani RR.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Subalit, inalmahan naman ni RR ang nasabi ng lalake sa babae na "Bakit kasal ba tayo?"

"Ang a**hole mo kuya nung sinabi mo 'yun. Oo hindi kayo kasal pero magjowa kayo. Ibig sabihin may karapatan siya sa'yo... May karapatan siyang tanungin ka. What a question! Kuya, napaka-ungas mo. Charot! Kuya, napakaimposible ng gusto mong mangyari na maghiwalay kayo ng walang samaan ng loob," matapang na nasabi ni RR.

Read also

Detalye ng burol ni Jho Rovero, ibinahagi ng kanyang ina

Gayunpaman, naniniwala siyang maaring may dahilan ang lalake sa kung bakit ito nangyari subalit sana'y napag-usapan umano ito ng maayos bilang respeto sa 13 taon na relasyon nito sa OFW.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niyang RR Enriquez Sawsawera Queen:

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang vlog ni RR Enriquez sa kanyang YouTube channel. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Si RR ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014. Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel