RR Enriquez kay Lolit Solis: "Kung nasa 70 plus na ako, 'di na ako sasawsaw"

RR Enriquez kay Lolit Solis: "Kung nasa 70 plus na ako, 'di na ako sasawsaw"

- Nagbigay pahayag si RR Enriquez kaugnay sa umano'y sa mga komento ni Lolit Solis kay Bea Alonzo

- Aniya, kung siya ang nasa sitwasyon nitong may edad at may sakit na, titigilan na umano niya ang pakikisawsaw sa mga isyu

- I-enjoy na lamang umano niya ang buhay sa paggawa ng mabuti

- Samantala, tiningnan din ni RR ang anggulo na maaring dahil trabaho na ni Lolit ang magbigay komento sa mga celebrities kaya niya ito nasasabi kay Bea

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga sinawsawan ni RR Enriquez sa kanyang vlog ang tungkol sa mga komento ni Lolit Solit kay Bea Alonzo.

RR Enriquez kay Lolit Solis; "Kung nasa-70 plus na ako, 'di na ako sasawsaw"
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ilan sa mga komentong naibagsak ni Lolit kay Bea ay ang mukha na umano nitong matanda para ipareha kay Alden Richards.

Gayundin ang umano'y wrinkles na raw nito na maaring dahilan kung bakit ito nabiktima ng ghosting ni Gerald Anderson.

Read also

Cristy sa 'di pagbati ni Dennis Padilla sa grad ni Claudia; "Siguro sinadya na niyang manahimik"

Dahil dito, nagbigay opinyon si RR na kung siya ang nasa kalagayan na ni Lolit ngayon, hindi na niya magagawang makisawsaw pa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"May sakit na siya and yet hindi pa rin siya tumitigil sa panlalait. "Ako naman to be honest 'yung pakikipagsawsaw ko, kung halimbawa naman may sakit na ako, titigilan ko na 'yung pagsawsaw ko. Saka kung nasa seventy plus na ako, 'di na ako sasawsaw. I-enjoy ko nalang 'yung natitirang buhay ko sa mundong ito, do something good," ani RR.

Nabanggit din naman ni RR na maaring nasasabi ito ni Lolit dahil sa trabaho talaga nitong magbigay komento sa mga showbiz personality.

"Kung part ito ng trabaho ni Nanay Lolit, we cannot blame her for doing this. Kasi part lang ng trabaho niya e."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni RR mula sa sa kanyang YouTube channel na 'RR Enriquez Sawsawera Queen:

Read also

Petite at Negi sa samahan nilang PNP; "Mas okay na hiwa-hiwalay muna"

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang vlog ni RR Enriquez sa kanyang YouTube channel. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Si RR ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014. Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel