Petite at Negi sa samahan nilang PNP; "Mas okay na hiwa-hiwalay muna"

Petite at Negi sa samahan nilang PNP; "Mas okay na hiwa-hiwalay muna"

- Nagbigay pahayag na sina Petite at Negi patungkol sa pagkawala ni Pepay sa grupo nilang PNP

- Ayon kay Negi, mas mainam na sila'y magkahiwa-hiwalay muna bilang respeto na rin sa isa't isa

- Aminado naman si Petite na hindi na nila nabigyang prayoridad ang kanilang YouTube channel na PNP Pepay Negi Petite vlog gayung may kanya-kanya rin silang channel

- Gayunpaman, sinabi ng dalawa kung gaano kahalaga sa kanila si Pepay na makakasama pa rin nila sa isang show sa USA

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napag-usapan nina Ogie Diaz at komedyanteng sina Petite at Negi ang tungkol sa pagkawala ni Pepay sa PNP (Pepay, Negi and Petite).

Petite Negi at Pepay
Petite Negi at Pepay (@negi_ggv)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na tulad ng ibang grupo o pagkakaibigan, dumaan din sila sa pagsubok.

"Parang mas okay na hiwa-hiwalay muna, Aminin na natin, parang hindi okay na magsama-sama muna kaming tatlo, parang hindi healthy," ani Negi.

Read also

RR Enriquez kay Lolit Solis: "Kung nasa 70 plus na ako, 'di na ako sasawsaw"

"Sa barkadahan o sa pamilya nga nagkakaroon ng problema, ganu'n din 'yung grupo namin. Dumaan kami sa ganu'n nay na parang hindi naging okay," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi man diretsahang nabanggit ang partikular na dahilan, nag-sorry naman umano si Pepay sa kanila sa kaarawan pa mismo ni Petite.

"Sabi niya, sorry. Ako isa lang sinabi ko, nami-miss kita... Kasi minsan 'yung sorry 'di ba hindi porke't nag-sorry okay na tayo. 'Di ba minsan kailangan natin ng oras. Pero ako nami-miss ko talaga siya e kasi mahal ko si Pepay," dagdag pa ni Negi.

Gayunpaman, magkakasama pa rin silang tatlo sa ilang shows sa Amerika ngayong Setyembre.

Narito ang kabuaan ng kanilang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Sina Petite, Negi at Pepay ay mga kilalang komedyante sa bansa. Tulad ng Beks Battalion, mayroon din silang YouTube channel, ang PNP Pepay Negi Petite vlog na nakapagbibigay kasiyahan sa kanilang 166,000 subscribers. Sa ngayon, nananatiling magkasama sina Petite at Negi dahil sila umano'y nasa pangangalaga ni Vice Ganda.

Read also

Cristy sa 'di pagbati ni Dennis Padilla sa grad ni Claudia; "Siguro sinadya na niyang manahimik"

Subalit dahil mayroon sila umanong kanya-kanyang channel, hindi na nila nabigyang prayoridad ang kanilang PNP vlog. Katunayan, walong buwan na ang nakalilipas mula nang huli silang mag-upload sa kanilang channel bilang grupo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel