Petite, naging karibal si Donita Nose: "Nag-propose na sa kanya ng kasal!"

Petite, naging karibal si Donita Nose: "Nag-propose na sa kanya ng kasal!"

- Ikinuwento ni Petite na minsan na niyang naging karibal sa lalaki si Donita Nose

- Ipinaalam naman daw niya kay Donita na jowa na niya ang ka-LDR ngunit naging karelasyon pa rin ito ng ka-tandem ni Tekla

- Umabot pa sa punto na nag-propose na ang lalaki kay Donita na labis na ikinagulat ni Petite

- Nang subukan niyang komprontahin ang lalaki tungkol sa proposal, na-block na raw siya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging guest ni Tita Jegs sa kanyang vlog si Petite kung saan sinagot ni Petite ang mga tanong na "Sino sa mga bakla?"

Nalaman ng KAMI na ang dapat na isasagot ni Petite sa katanungang ito ay ang mga nakasama nilang beki sa mga comedy bar noon.

At isa nga sa naitanong sa kanya ay kung sinong mga bakla ang naituring niyang karibal.

Read also

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

Petite, naging karibal si Donita Nose: "Nag-propose na sa kanya ng kasal!"
Donita Nose (@donitanose)
Source: Instagram

Diretsahan ngunit makulit niyang sinagot na ito ay si Donita Nose.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Siya talaga ang tunay na 'Maricel, Maricel, Dina Bonnevie, Snakey!" pakantang sinabi ni Petite.

Aniya, nagkaroon siya ng ka-LDR na nakakausap na rin pala ni Donita.

"Sinabi ko na sa kanya ah... nagpajowa pa rin siya"

Dumating pa raw sa puntong nag-propose na ng kasal kay Donita ang lalaki.

"Hanggang sa may kasal-kasal, nagpropose na sa kanya ng kasal, sabi ko sa lalaki, fi-norwad ko 'yung message ni Donita, ano to? bli-nock ako!" makulit na salaysay ni Petite.

Narito ang kabuuan ng video na mapapanood sa YouTube channel ni Tita Jegs:

Si Donita Nose ay isa sa mga mahuhusay na komedyante ng GMA. Kilala rin siya sa pagiging mahusay na TV host kung saan naging bahagi rin siya ng programang Wowowin. Sa ngayon, namamayagpag ang YouTube channel nila ni Super Tekla na 'Donekla in Tandem.'

Read also

Video ng BF na hinimatay muna bago mag-propose sa nobya, nagpakilig sa netizens

Isa si Donita Nose sa mga unang bumisita at nagpaabot ng tulong sa viral online seller na isa na ngayong online personality na si Madam Inutz matapos ang biglang pagsikat sa kanyang live selling ng mga panindang damit.

Matapos nilang pakyawin ni Ethel ang mga panindang damit ni Madam Inutz sa kanyang ukay-ukay, nakipag-bonding pa sila noon dito na animo'y matagal na silang magkakakilala.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel