Donita Nose, ipinakita ang mga napakyaw na damit sa ukay-ukay ni Madam Inutz

Donita Nose, ipinakita ang mga napakyaw na damit sa ukay-ukay ni Madam Inutz

- Ipinakita ni Donita Nose ang mga nabili niyang damit sa ukay-ukay ni Madam Inutz

- Matatandaang binisita nila ni Ethel Booba si Madam Inutz kung saan pinagtulungan nilang pakyawin ang paninda ng online seller na wala raw nagma-mine

- Marami sa mga damit ay kasyang-kasya kay Donita at nasabi niyang sosyal tingnan kahit mula sa ukay-ukay

- Sinabi rin ni Donita na marami sa mga ito ay talagang magagamit niya sa kanyang mga shows at taping

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinakita at nai-model pa ni Donita Nose ang mga damit na kanyang napakyaw sa ukay-ukay ni Madam Inutz.

Ilang linggo na ang nakalipas nang bisitahin ni Donita at Ethel Booba si Madam Inutz para pakyawin ang mga paninda nitong damit sa kanyang 'Daisy_licious Ukay' na wala umanong nagma-mine.

Donita Nose, ipinakita ang mga napakyaw na damit sa ukay-ukay ni Madam Inutz
Donita Nose (Screengrab from Donita Nose Vlogs)
Source: Facebook

Mahigit 20 pirasong damit ang nakuha ni Donita habang ang iba naman ay para kay Ethel gayung pinaghatian nilang bilhin ang lahat ng paninda ni Madam Inutz nang sila ay bumisita.

Read also

Wilbert Tolentino, nag-react sa TikTok ni Ethel Booba: "Mahal ko sila, promise"

Magaganda at eleganteng tingnan ang mga damit nang maisukat ni Donita. Karamihan sa mga ito ay romper na bumagay talaga sa ka-tandem ni Super Tekla.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahit may ilang hindi nagkasya, mas marami pa rin ang bumagay sa kanya at sinabing maisusuot niya sa kanyang mga tapings at shows.

Narito ang kabuuan ng video mula sa ni Donita Nose Vlogs YouTube channel :

Si Donita Nose ay isa sa mga mahuhusay na komedyante ng GMA. Kilala rin siya sa pagiging mahusay na TV host kung saan naging bahagi rin siya ng programang Wowowin. Sa ngayon, namamayagpag ang YouTube channel nila ni Super Tekla na 'Donekla in Tandem.'

Isa si Donita sa mga unang bumisita at nagpaabot ng tulong sa viral online seller na isa na ngayong online personality na si Madam Inutz.

Read also

Janus Del Prado, hanga sa kaibigang kailanma'y di siniraan ang tinatawag niyang 'G'

Matapos nilang pakyawin ni Ethel ang mga panindang damit ni Madam Inutz sa kanyang ukay-ukay, nakipag-bonding pa sila noon dito na animo'y matagal na silang magkakakilala.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel