Wilbert Tolentino, nag-react sa TikTok ni Ethel Booba: "Mahal ko sila, promise"

Wilbert Tolentino, nag-react sa TikTok ni Ethel Booba: "Mahal ko sila, promise"

- Naglabas ng saloobin ang manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino ukol sa umano'y TikTok ni Ethel Booba sa kanya

- Sinasabing lumabas ang TikTok matapos na hindi payagan ni Wilbert na makasama muli nina Ethel si Madam Inutz sa kanyang vlog

- Nagkausap umano sila nina Ethel at Boobsie isang araw bago lumabas ang video at napansin niyang iba nga ang awra ng dalawa

- Gayunpaman, itinuturing niyang kaibigan ang mga ito na ayaw niyang masaktan ngunit inamin din niyang nasaktan din siya sa nangyari

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"It's between friendship and management." Naglabas na ng reaksyon si Wilbert Tolentino, ang manager ni Madam Inutz kaugnay sa viral TikTok video nina Ethel Booba at isa pa ring komedyante na si Boobsie.

Nalaman ng KAMI na agad na nakarating kay Wilbert ang umano'y video na tila re-enactment daw ng nangyari kung saan hindi niya muna pinayagan ang alagang si Madam Inutz na makasama muli sa vlog nina Ethel at Boobsie.

Read also

Mister ni Sonia Gregorio, nakita ang reaksyon ni Jonel Nuezca nang masintensyahan

Wilbert Tolentino, nag-react kay Ethel Booba; "It's between friendship and management"
Wilbert Tolentino kasama si Madam Inutz (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

"The day na lumabas 'yung TikTok, same day din doon sa nangyari, same incident, same din kasi 'yung approach, same na same" pahayag ni 'Sir Wil' sa eksklusibong panayam sa kanya ni Mama Loi.

"Sabi ko nga, naku! bakit ba ako pinatamaan. Pero bago lumabas 'yung Tiktok, nagka-chat na kami ni Boobsie, nagka-chat din kami ni Ethel na nakita ko talaga na iba 'yung awra nila sa akin."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hiningi rin niya ang pang-unawa at pag-intindi nina Ethel sa nangyari.

"Mahal ko sila promise, sana maintindihan niyo Mareng Ethel, Mamshie Boobsie, si Chef, walang mean 'yun... ayaw kong ma-hurt kayo, ayaw ko rin na ma-hurt ako. Actually ako ang na-hurt kasi hindi ko alam 'yung delivery sa TikTok kasi nga same day kasi, same din 'yung atake same din 'yung approach. So, na-hurt ako."

Read also

Ogie Diaz, nilinaw ang tungkol sa umano'y pasaring daw ng kampo ni Ethel Booba

Ipinaliwanag din ni Wilbert ang naging kasunduan nila ni Madam Inutz kaya rin hindi siya pumayag muna sa ngayon na makasama siya nina Ethel.

"Bilang manager, importante ang commitment, o eto ang napag-usapan natin ha para ma-preserve mo ang sarili mo kasi 'yung mga tao mahal ka. So kung mahal ka ng mga tao sa pag-eentertain mo, mga na-chenes mo sa pnline selling i-capture mo na 'yung market mo. Ito na 'yung pagkakataon mong makilala ka."

"Kung sa iba-ibang channel lumalabas ka, iba iba yung content... mawawala na yung linya mo ng diyan ka na lang. Kumbaga kailangan sumusunod sila sa journey mo," pahayag ni Wilbert patungkol sa alagang si Madam Inutz.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Wilbert Tolentino na mapapanood sa YouTube channel ni Mama Loi:

Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Read also

Ogie Diaz sa relasyon nina Paolo Contis at LJ Reyes: "Sana maayos nila"

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Matatandaang isa sa mga unang bumisita kay Madam Inutz at si Ethel Booba at Donita Nose na namakyaw ng panindang damit ng online seller.

Nitong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanya na ngayong manager na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing.

Isinapubliko rin agad nila ang mga proyektong nakahain na para gawin ni Madam Inutz at isa na rito ang lalabas niyang debut single na may pamagat na "Inutil."

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel