Ogie Diaz sa relasyon nina Paolo Contis at LJ Reyes: "Sana maayos nila"

Ogie Diaz sa relasyon nina Paolo Contis at LJ Reyes: "Sana maayos nila"

- Tahasang sinabi ni Ogie Diaz na tila hiwalay na nga sina Polo Contis at LJ Reyes

- Ito ay matapos mapansin ng netizens na burado na ang mga larawan ni LJ reyes sa Instagram ni Paolo at in-unfollow na rin nito ang kasintahan

- Sinusubukan umano ni Ogie na kunan ng pahayag si Paolo subalit hindi ito sumasagot sa kanyang tawag

- Mas lalong lumakas ang pakiramdam niya umano na maaring totoo nga ang bali-balita na hiwalay na ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa Youtube channel nilang Ogie Diaz Showbiz Update ang tungkol sa kontrobersiyal na relasyon ngayon nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Nalaman ng KAMI na diretsahang nasabi ni Ogie na pakiramdam niya'y totoo ang bali-balitang hiwalay na ang dalawa.

Read also

Ogie Diaz, aminadong nasaktan sa mga fans noon ni Charice Pempengco

Ito ay matapos na mawala umano ang mga larawan ni LJ sa Instagram ni Paolo at in-unfollow na niya rin ito.

Ogie Diaz sa relasyon nina Paolo Contis at LJ Reyes: "Sana maayos nila"
Ogie Diaz (Photo from Ogie Diaz YouTube Channel)
Source: Facebook

"Feeling ko wala na, kahit hindi ko pa nakakausap si Paolo, feeling ko wala na sila," pahayag ni Ogie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinusubukan din niyang ma-contact si Paolo para makuha ang panig nito ukol sa isyu ngunit hindi raw nito sinasagot ang kanyang mga tawag.

"'Yang ganyan na hindi ako sinasagot ni Paolo, tinatanong ko siya 'huy! totoo bang wala na kayo, hindi siya sumasagot, feeling ko totoo"
"'Pag may ibang hanash, naka-text agad sa akin e, ngayon hindi"
"'Pag hindi totoo 'yung akusasyon, nakasagot agad yan, so feeling ko, that answers my question"

Samantala, maraming nagsasabing baka tila 'gimik' lamang ito ni Paolo para sa pelikula nilang 'A Faraway Land' kung saan kasama niya si Yen Santos.

Read also

Madam Inutz, sinabi kay Ogie Diaz na kailanma'y 'di lalaki ang ulo niya; "Ibahin mo ako kuya"

Gayunpaman, hangad naman ni Ogie na magkaayos pa rin sina Paolo at Lj sakaling mayroon nga silang problema.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang kanyang mga video sa kanyang YouTube channel dahil sa mga maiinit na showbiz updates at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel