Cristy sa 'di pagbati ni Dennis Padilla sa grad ni Claudia; "Siguro sinadya na niyang manahimik"

Cristy sa 'di pagbati ni Dennis Padilla sa grad ni Claudia; "Siguro sinadya na niyang manahimik"

- Nagbigay komento si Cristy Fermin sa umano'y pananahimik ni Dennis Padilla sa graduation ng anak nitong si Claudia Barretto

- Inaasahan ng marami na babati si Dennis ngayong nakapagtapos na si Claudia sa kursong Psychology

- May ilan pang nagsasabi na kaya hindi na raw umano bumati si Dennis ay wala raw itong naibigay sa pag-aaral ng anak

- Gayunpaman, hiling nilang magkaayos umano ang nasabing pamilya sa takdang panahon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay pahayag si Cristy Fermin sa umano'y hindi pagbati ni Dennis Padilla sa anak na si Claudia Barretto na kamakailan ay nagtapos sa kursong Psychology.

Cristy sa 'di pagbati ni Dennis Padilla sa graduation na anak; "Siguro sinadya na niyang manahimik"
Claudia and Marjorie Barretto (@claudia)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na inaasahan umano ng marami ang post ni Dennis sa tagumpay na nakamit ng isa sa mga anak niya kay Marjorie Barretto.

Subalit walang post ang aktor na tila piniling manahimik sa kabila ng dapat sana'y pagbati sa anak.

Read also

RR Enriquez kay Lolit Solis: "Kung nasa 70 plus na ako, 'di na ako sasawsaw"

"Mas marami 'yung nagsasabing mabuti naman natuto ka na ng leksyon. Hindi ka na nakisali dahil kahit singkong duling, wala ka namang donasyon sa pag-graduate ng anak mo, may mga ganoon. Kaya siguro sinadya na ni Dennis na manahimik na lang siya," ani Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon naman kay Morly Alinio na kasama ni Cristy sa Showbiz Now Na! hindi dapat na makatanggap ng ganoong mga salita si Dennis gayung walang nakakaalam kung talagang wala itong naibigay sa pagpapalaki at pagpapaaral ng kanyang anak.

'"Sa sinabi mo na malay natin hindi talaga nagbibigay si Dennis, ako na nagsasabi... Hindi talaga," paliwanag naman ni Cristy.

Gayunpaman, hiniling pa rin nila na sa takdang panahon ay magkaayos ang kanilang pamilya lalo na at ama pa rin umano nina Julia, Claudia at Leon si Dennis Padilla.

Read also

Buboy Villar, binahagi ang kanyang paghatid sa anak sa school

Narito ang kabuuan ng pahayag nina Cristy, MOrly at Rommel Chika mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbabahagi ng pinakabagong balita sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel