Cristy Fermin sa umano'y kalagayan ni Julia Montes; "Alam namin 'pag nagdadalang-tao"

Cristy Fermin sa umano'y kalagayan ni Julia Montes; "Alam namin 'pag nagdadalang-tao"

- Muling napag-usapan sa Showbiz Now Na! ang 'di umano'y pagdadalang-tao ni Julia Montes

- Ito ay kasunod ng napapabalitang pagbabakasyon umano nina Coco Martin at Julia sa Europa

- Bagama't kinakailangan daw talaga ito lalo na ng aktor, hindi nawala sa isip nina Cristy Fermin ang sinasabing kalagayan ngayon ni Julia

- Marami na umanong napagtanungan si Cristy at napansin din ang malalayong shot kay Julia sa pagtatapos ng "FPJ Ang probinsyano"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit muli nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Wendell Alvarez ang umano'y pagdadalang-tao ni Julia Montes.

Cristy Fermin sa umano'y kalagayan ni kay Julia Montes; "Alam namin 'pag nagdadalang-tao"
Julia Montes (@montesjulia08)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay matapos nilang mabanggit na magbabakasyon ang aktres kasama si Coco Martin sa Europa.

Bagaman at masasabing 'deserve' ng dalawa ang bakasyon lalo na ni Coco ngayong tapos na ang FPJ Ang Probinsyano, hindi nawala sa isip nila ang posibilidad na may koneksyon ito sa pagdadalang-tao ng aktres.

Read also

Bernadette Sembrano, todo puri si Jane De Leon; "You're very nice"

"Magbabakasyon grande daw muna sina Coco Martin at Julia Montes sa Germany, sa Europe, isa lang ang bansang Germany sa pupuntahan sa Europe. Siguro iikutin nila ang Europa. Siguro regalo naman sa sarili nila 'yun," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Parang totoo 'yung isyu... Ako napanood ko talaga sa pagwawakas ng 'Ang Probinsyano', ang layo ng shot drone shot pa. Pero kitang-kita mo talaga na pagkalaki-laki ng balakang ni Julia. At iisipin ng bawat makakakita noon, ang dami ko na ngang nakausap e, nagdadalang-tao siya," dagdag pa nito.

Aniya, bilang babae, alam at ramdam niya ito kung ang kapwa niya ay nagbubuntis.

"It takes one to know one. Kahit naman kayong mga beki... Kami din gano'n. Alam namin 'pag nagdadalang-tao," paliwanag ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!

Read also

Andrea Torres, tahimik pa rin sa hiwalayan nila noon ni Derek; "Walang maidudulot na mabuti"

Si Cristy Fermin isa sa mga beteranang showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbabahagi ng pinakabagong balita sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button. Matatandaang sa YouTube channel din na ito ni Cristy nasabi na buntis 'di umano ang aktres na si Julia Montes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel