Andrea Torres, tahimik pa rin sa hiwalayan nila noon ni Derek; "Walang maidudulot na mabuti"

Andrea Torres, tahimik pa rin sa hiwalayan nila noon ni Derek; "Walang maidudulot na mabuti"

- Pinili nalang talagang manahimik ni Andrea Torres kaugnay sa hiwalayan nila noon ni Derek Ramsay

- Aniya, wala umanong maidudulot na mabuti kung magdedetalye pa siya ng kanilang hiwalayan

- Ayaw din umanong ma-bash pa 'yung tao kaya naman minabuti nalang niyang hindi magsalita

- Subalit inamin nitong hindi naging maayos ang naging hiwalayan nila ng aktor

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hanggang ngayon, pinili pa ring manahimik ni Andrea Torres sa dahilan ng hiwalayan nila noon ni Derek Ramsay.

Andrea Torres, tikom pa rin sa hiwalayan nila noon ni Derek; "Walang maidudulot na mabuti"
Andrea Torres (@andreaetorres)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga naitanong sa kanya ni Toni Gonzaga nang makapanayam niya ang aktres sa kanyang YouTube channel na Toni Gonzaga Studios.

Aminado si Andrea na hindi rin madali para sa kanya ang hindi na lamang ito pag-usapan lalo na at may mga taong nai malaman kung ano nga ba ang nangyari.

Read also

Cristy Fermin sa nababalitang hiwalayan nina Chiz at Heart; "Wife pa rin siya ni Chiz"

"Pa'no ba 'to? Kasi 'yung iba nagagalit kasi 'di ako nagbibigay ng details. Hindi ko naman ikaliligaya na ma-bash 'yung tao. Parang for me lang, walang maidudulot na mabuti kapag nagbigay pa ako ng details kung bakit kami nag-break. Kasi obviously, hindi maganda 'yung naging paghihiwalay namin. So para sa akin, okay na sa akin 'yung nakausap ko na 'yung mga taong involved," paliwanag ni Andrea.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, dahil sa nangyari, mas lalo niyang minahal ang kanyang sarili at mas lalo rin siyang napalapit sa Diyos.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Andrea Elizabeth Eugenio Torres o kilala bilang si Andrea Torres ay isang Filipina actress at commercial model mula sa GMA. Bumida na rin siya sa isang teleserye sa Kapuso network tulad ng "The Better Woman", "Alyas Robin Hood", at "Victor Magtanggol".

Read also

Ivana Alawi, ipinakita ang closet sa bago nilang bahay; "Ang dami kong pipilian"

Mas umingay ang pangalan ni Andrea sa showbiz nang makarelasyon niya ang aktor na si Derek Ramsay noong Setyembre 2019.

Ilang buwan ang nakalipas, nagkaroon pa sila ni Derek ng YouTube channel na Andrek kung saan makikita ang mga kaganapan sa kanilang relasyon. Umabot pa umano sa puntong inakala na ng marami na naninirahan na sa iisang bubong ang dalawa.

At noong Nobyembre 2020, isinapubliko na ni Derek na hiwalay na sila ng aktres. Ito ay matapos pang makita silang magkasama sa Christmas station ID ng GMA.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel