Ivana Alawi, ipinakita ang closet sa bago nilang bahay; "Ang dami kong pipilian"

Ivana Alawi, ipinakita ang closet sa bago nilang bahay; "Ang dami kong pipilian"

- Ipinakita ni Ivana Alawi ang kanyang closet sa nilipatan nilang bagong bahay

- Mapapansing maraming damit si Ivana ngunit ayaw naman daw niya madalas na magdamit

- Masaya raw siya na makita tuwing umaga na marami siyang pagpipiliang damit

- Sa ngayon, bukod sa patuloy niyang pagba-vlog ay bahagi si Ivana ng teleseryeng 'A family affair'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabago niyang vlog, ipinakita ni Ivana ang loob ng bago nilang bahay na kanya umanong nilinis.

Ivana Alawi, ipinakita ang closet sa bago nilang bahay; "Ang dami kong pipilian"
Ivana Alawi, ipinakita ang closet sa bago nilang bahay; "Ang dami kong pipilian"
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa sa mga ibinahagi ni Ivana ay ang kanyang closet na puno ng mga damit.

Aniya, masaya raw siyang makita ito tuwing umaga na marami siyang pamimiliang mga damit.

"'Di ba, ang dami-dami kong damit pero hindi ako mahilig magdamit. Wala lang maganda lang tingnan sa umaga... Ay ang dami ko pipilian pero ayoko magdamit," ani Ivana.

Read also

Donnalyn Bartolome, nagsalita na kaugnay sa kanto-style celebration: "Wala akong regrets"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, sinabi rin ni Ivana na hindi pa gaanong kumpleto ang ilan sa mga kagamitan ng kanilang bahay dahil sa mabilisan nilang paglipat.

Ipinakita rin niya ang kwarto ng kanyang mga kapatid na maging ang kanyang ate Amira ay kasama na rin nila.

Matatandaang ang bahay na ito ay regalo niya sa kanyang ina na noo'y nagawa pa niyang i-prank bago tuluyang sabihin na iyon na nga ang kanilang bagong tahanan.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Read also

Serena Dalrymple, ibinahagi ang pictures sa ginanap na bachelorette party niya

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Bahagi ngayon si Ivana ng teleseryeng 'A family Affair' kung saan kasama niya ang mga aktor na sina Gerald Anderson, Sam Milby at Jake Ejercito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel