Mama Alawi, napatanong sino ang "J" na nakaalala raw kay Ivana

Mama Alawi, napatanong sino ang "J" na nakaalala raw kay Ivana

- Napatanong si Mama Alawi kung sino raw ang "J" na nakaalala kay Ivana

- Bigla tuloy tinapos ni Ivana ang kanyang vlog kung saan pinakita rin kung paano niya ipinagdiwang ang pagkakaroon niya ng 15 million subscribers

- Two ang binigay na numero ni Mona na ang katumbas ay "B" habang ang kanilang Mama Alawi naman ay 10 na may katumbas na letang J

- Sa ngayon, bahagi si Ivana ng teleseryeng A Family Affair kung saan kasama niya sina Sam Milby, Gerald Anderson, Jameson Blake at Jake Ejercito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Biglang napatanong si Mama Alawi kay Ivana kung sino nga ba ang "J" na nakaalala raw sa aktres.

Mama Alawi, napatanong si ang "J" na nakaalala raw kay Ivana
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bago matapos ang vlog ni Ivana kung saan ipinakita niya kung paano nila ipinagdiwang ang pagkakaroon ng 15 million subscribers, bigla itong humingi ng numero dahil may nakaalala raw sa kanya.

Read also

Mama Loi, nabanggit ang malaking tulong ni Ogie Diaz kay Andrew Schimmer

Agad namang binigay ni Mona ang number 2, na ang katumbas na letra ay B. Habang si Mama Alawi naman, 10 ang ibinigay na number na ang katumbas na letra ay "J".

Bigla tuloy itong napaisip kung sino ang taong may pangalan na nagsisimula sa J.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Tapos na ang video, bye!" ang agad naman nasabi ni Ivana.

Ngunit hindi pa rin tumigil sa pag-usisa si Mama Alawi na ang tinanong naman ay ang personal assistant ni Ivana na si KC.

"KC sino 'yung J?," na agad namang sinagot ni Ivana ng "Wala lang, bye guys"

Narito ang kabuuan ng video:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Toni G, inihalintulad si Alex kay Small Laude sa 'di pagpapahiram ng gamit sa kanyang ate

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Bahagi ngayon si Ivana ng teleseryeng 'A family Affair' kung saan kasama niya ang mga aktor na sina Gerald Anderson, Sam Milby at Jake Ejercito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel