Mama Alawi, nanalo ng Php100,000 sa makulit na pa-challenge ni Ivana

Mama Alawi, nanalo ng Php100,000 sa makulit na pa-challenge ni Ivana

- Game na game ang pamilya Alawi sa palaro ni Ivana na 'Last to leave the bathroom challenge'

- Kasali ang buong pamilya ni Ivana gayundin ang kanyang personal assistant na si KC na talagang itinuring na rin niyang pamilya

- Inabot na ng gabi ang pananatili ng karamihan sa kanila sa isa sa kanilang comfort rooms ngunit ang natira na lamang ay si Mama Alawi dahil kay Mona

- Nabanggit naman ni Mama Alawi na sakaling siya ang palarin, kalahati ng premyo ay ibabahagi niya sa simbahan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muli na namang hinamon ni Ivana Alawi ang kanyang pamilya sa isang challenge kung saan maaring manalo ang isa sa kanila ng Php100,000.

Mama Alawi, nanalo ng Php100,000 sa last to leave the bathroom challenge
Ivana Alawi with Mama Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ipinaalam na niya sa kapatid na si Mona ang 'Last to leave the bathroom challenge' na ipagagawa niya sa buong pamilya nila.

Read also

Toni Fowler, sinabing tanggap niya ang reaksiyon ng mga tao sa pagsampal niya kay Vince Flores

Alam na niya kasing matibay si Mona sa ganitong challenge na minsan na nilang nagawa sa nauna nilang vlog.

Kasali sa challenge sina Hash, Amira, Mona, Mama Alwi at maging ang personal assistant ni Ivana na si KC.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nang tumatagal ang mga kalahok, nag-iwan ng Php10,000 si Ivana sa nais nang lumabas. At si KC nga ang nakakuha ng nasabing halaga sa pag-aakalang uunahan siya ni Hash.

Sumunod naman si Amira na hindi nagdalawang-isip na lumabas nang malamang iyak na ng iyak ang anak nitong si Gab.

Naloko naman si Hash nang inakala nitong tumatawag ang kanyang girlfriend gayung nasa labas ang cellphone niya.

At dahil paulit-ulit ang ring, napilitan itong lumabas. Kaya naman laking inis nito nang malamang si Ivana lamang ang tumatawag.

Sa huli, tanging sina Mona at Mama Alawi na lamang ang natira sa bathroom. Subalit, una nang lumabas si Mona kaya naman si Mama Alawi ang nagwagi ng Php100,000.

Read also

Cristy Fermin, hindi na raw umano nararamdaman ang career ni Liza Soberano

Narito ang kabuuan ng makulit na challenge ng Alawi family:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Magbabalik sa big screen ang 'Unkabogable and Phenomenal Box Office Superstar' na si Vice ganda para sa isang pelikula na siyang magiging entry sa Metro Manila Film Festival sa darating na Disyembre at makakasama niya si Ivana.

Read also

Bea Alonzo, binahagi ang video ng paghahanda para sa surprise dinner para kay Dominic Roque

Ayon sa Kapamilya Online World, 'Partners in Crime' ang pamagat ng kanilang ginagawang pelikula sa direksyon ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Matatandaang kamakailan lamang ay marami ang natuwa sa pagsasama nina Ivana at Vice sa isang vlog.

Kumasa si Vice na maging 'Mommy for a day' ni Ivana na talagang kinagiliwan ng kanilang mga supporters.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel