Bea Alonzo, binahagi ang video ng paghahanda para sa surprise dinner para kay Dominic Roque

Bea Alonzo, binahagi ang video ng paghahanda para sa surprise dinner para kay Dominic Roque

- Sinorpresa ni Bea Alonzo ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque para sa kaarawan nito

- Isang surprise dinner ang kanyang pinahanda kung saan ilan sa malalapit na kaibigan at mahahalagang tao para kay Dominic ang dumalo

- Sa isang video na binahagi ni Bea, ang buong akala ni Dominic ay para sa kanilang endorsement ang kanilang pinuntahan

- Kaya naman, nang makita niya ang venue at ang mga taong malapit sa kanya, nagulat siya at agad na pinasalamatan ang girlfriend

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Bea Alonzo ang kanyang paghahanda para sa sorpresa niya sa boyfriend na si Dominic Roque para sa kaarawan nito. Sa kanyang bagong vlog ay binahagi niya ang ilan sa kaganapan sa surprise dinner para sa kanyang boyfriend.

Bea Alonzo, binahagi ang video ng paghahanda para sa surprise dinner para kay Dominic Roque
Bea Alonzo, binahagi ang video ng paghahanda para sa surprise dinner para kay Dominic Roque (@beaalonzo)
Source: Instagram

Ang buong akala ni Dominic ay para sa kanilang endorsement ang kanilang pinuntahan. Matapos silang ayusan ng glam team ay sabay silang pumunta sa dinner venue kung saan naghintay ang mga bisita na kinabilangan ng ilang mga taong malapit kay Dominic.

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa video ni Francine Diaz sa kanyang YouTube channel si Bea ang kanyang naging panauhin. Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel