Luis Manzano, inaming si Jessie Mendiola ang mas may cash sa kanilang dalawa

Luis Manzano, inaming si Jessie Mendiola ang mas may cash sa kanilang dalawa

- Inamin ni Luis Manzano na mas marami umano ang cash ng misis na si Jessy Mendiola sa kanya

- Aniya, kadalasan ay si Jessy ang nagbabayad kapag kailangan ng cash

- Kahit pag lumalabas umano sila at maging sa bahay ay si Jessy ang kadalasang nagbabayad ng cash

- Naibahagi niya ito nang sagutin niya ang most searched Google questions tungkol sa kanila nang mag-guest sila sa vlog ni Small Laude

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natawa na lamang si Luis nang tanungin siya ng "how much cash does Luis manzano have?" Ito ay isa lamang sa most searched Google questions tungkol sa kanya na kanyang sinagot sa vlog ni Small Laude.

Luis Manzano, inaming si Jessie Mendiola ang mas may cash sa kanilang dalawa
Luis Manzano, inaming si Jessie Mendiola ang mas may cash sa kanilang dalawa (@senorita_jessy)
Source: Instagram

Ani Luis, kadalasan ay si Jessy Mendiola ang nagbabayad kapag cash ang kailangan dahil mas maraming cash umano si Jessy. Sinang-ayunan naman ito ni Jessy at kahit umano lumalabas sila ay siya ang kadalasang nagbabayad.

Read also

Kelsey Furigay, naglabas na ng pahayag ukol sa Ateneo shoot-out na ikinamatay ng ina

Sa pinakabagong vlog ni Small Laude ay sinagot nilang tatlo ang most searched Google questions tungkol sa kanila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Samantala, hindi pinalampas ni Jessy Mendiola ang isang Facebook post kung saan binahagi ang mga pictures ng ilang sikat na groom na umiyak sa araw ng kanilang kasal. Ito ay sa kasagsagan ng lumabas na balita kaugnay sa paghihiwalay nina Jason Hernandez at Moira Dela Torre. Isa lamang si Jason sa mga grooms na ito at sa naturang post ay kasali pa ang picture ng asawa ni Jessy na si Luis na emosyonal din sa araw ng kanilang pagpapakasal. Ani Jessy, sana ay huwag pagtawanan ang mga heartbreak ng ibang tao dahil aniya ay mabilis ang karma.

Kamakailan ay binahagi ni Jessy ang isang video kung saan pinanood nila ni Luis ang ilan sa matuturing niyang kanyang "most embarrassing moments on TV." Kabilang sa kanilang pinanood ay ang kontrobersiyal na panayam kay Jessy noong panahong nakakatanggap siya ng matinding bashing. Ani Jessy, ganun ang nangyayari kapag hindi nagiging totoo sa sarili kaya aniya kung may babaguhin siya sa kanyang ginawa noon, iyon ay sana mas nagpakatotoo na lang siya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel