Jessy Mendiola, umalma sa paggawa ng meme about sa mga celeb breakups

Jessy Mendiola, umalma sa paggawa ng meme about sa mga celeb breakups

- Hindi pinalampas ni Jessy Mendiola ang isang Facebook post kung saan binahagi ang mga pictures ng ilang sikat na groom na umiyak sa araw ng kanilang kasal

- Ito ay sa kasagsagan ng lumabas na balita kaugnay sa paghihiwalay nina Jason Hernandez at Moira Dela Torre

- Isa lang si Jason sa mga grooms na ito at sa naturang post ay kasali pa ang picture ng asawa ni Jessy na si Luis na emosyonal din sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib

- Ani Jessy, sana ay huwag pagtawanan ang heartbreak ng ibang tao dahil aniya mabilis ang karma

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang Facebook post kung saan pinagsama-sama ang ilan sa mga sikat na groom na umiyak sa araw ng kanilang kasal, napasali si Luis Manzano. Hindi pinalampas ni Jessy ang post na ito.

Read also

Vice Ganda, makulit na ginaya ang baby talk ni Andrea Brillantes

Jessy Mendiola, umalma sa pagdawit kay Luis Manzano sa meme ng mga groom na umiyak
Jessy Mendiola at Luis manzano (@senorita_jessy)
Source: Instagram

Sa post ng Facebook Page na 1Day, isa lamang si Luis sa mga picture ng emotional na mga groom sa araw ng kanilang kasal. Naglabasan ang meme tungkol dito matapos ang pag-amin ni Jason Hernandez ng paghihiwalay nila ni Moira Dela Torre.Matatandaang naging emosyonal din si Jason sa araw ng kanilang kasal. Ilan pang mga sikat na groom ang isinama sa post at ayon dito ay may sumpang dala ang pag-iyak ng groom sa araw ng kasal.

Ani Jessy, sana ay huwag pagtawanan ang heartbreak ng ibang tao dahil aniya mabilis ang karma.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Never wish ill on others. ❤️ masyado nang madaming negativity sa mundo. ☺️ wag pagtawanan ang heartbreak ng ibang tao, mabilis ang karma.

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Read also

Tom Rodriguez, nag-post ng larawan ng dalawang kamay na tila nakawala sa gapos

Matapos isapubliko nina Luis at Jessy ang tungkol sa kanilang engagement, agad itong naging usap-usapan dahil sa mga espikulasyon at reaksiyon ng mga netizens. Kaya naman sa isang panayam ay nilinaw ng dalawa na Oktubre pa naganap ang proposal ni Luis.

Samantala, sa pamamagitan ng isang YouTube video ay ibinahagi ni Jessy ang pag-isang dibdib nila. Sa Youtube video ni Jessy na may title na ‘Our Intimate Wedding’, binahagi ng dalawa ang eksena sa kanilang kasal na dinaluhan ng mga malalapit nilang kaibigan at kamag-anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel