Vice Ganda, makulit na ginaya ang baby talk ni Andrea Brillantes

Vice Ganda, makulit na ginaya ang baby talk ni Andrea Brillantes

- Makulit na ginaya ni Vice Ganda ang umano'y pag-baby talk ni Andrea Brillantes

- Ito ay hango sa video ni Andrea kung saan bumibili ito sa isang sari-sari store sa Siargao

- Nagkataong paliit daw ng paliit ang boses ng contestant ng Tawag ng Tanghalan na tila nagpaalala kay Vice ukol sa Aktres

- Naisipan ni Vice na gayahin ito na labis namang ikinatuwa ng mga kasama niya sa It's Showtime

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinagiliwan si Vice Ganda matapos na makulit na gayahin nito ang umano'y pag-baby talk ni Andrea Brillantes.

Vice Ganda, makulit na ginaya ang baby talk ni Andrea Brillantes
Vice Ganda (It's Showtime)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na napansin kasi ni Vice na tila paliit ng paliit ang boses ng isa sa mga contestant ng 'Tawag ng Tanghalan' habang kinakausap na nila ito matapos ang kanyang performance.

Dahil dito, hindi rin inaasahan ni Vice na mauuwi sa paggaya kay Andrea ang pagkakataong iyon na agad namang nakapagbigay saya sa kanyang mga kasama sa It's Showtime.

Read also

Cristy Fermin 'pag nanonood ng vlogs ni Angeline Quinto: "Para akong naaawa sa kanya"

"Ito paliit nang paliit ang boses, mahihiya sa'yo si Andrea Brillantes" bago niya tuluyang gayahin ang aktres na nasa Siargao kasama ang mga kaibigan at kasintahang si Ricci Rivero.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng video mula sa It's Showtime:

Si Anndrew Blythe Daguio Gorostiza o mas kilala bilang si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress. Nakilala siya karakter na 'Annaliza' at bilang 'Marga Bartolome' sa Kadenang Ginto.

Kamakailan, gumawa ng ingay ang kanyang pangalan nang pabulaanan niya ang umano'y naibalitan ng Entertainment reporter na si Ogie Diaz ukol sa panunugod umano ni Andrea sa dressing room ni Francine Diaz.

Samantala, si Vice Ganda ay isang komedyante at TV host, at isang content creator kung saan pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Read also

Cristy Fermin, may kutob sa umano'y motibo ni James Reid bilang manager ni Liza Soberano

Gumawa ng ingay si Vice nang sabihin niyang taong 2020 pa pala nang ma-engage sila ni Ion Perez ngunit hindi nila ito isinapubliko maging ang kanilang kasalan na noong Oktubre 2021 pa pala naganap.

Sa kabila ng pagsubok na kinaharap ng ABS-CBN sa pagpapasara ng kanilang network, isa si Vice sa mga nanatili bilang isang Kapamilya

Sina Andrea at Vice ay dalawa lamang sa mga kilalang personalidad na sumuporta sa kandidatura ni Leni Robredo sa pagkapangulo noong May 9 Elections.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel