Vice Ganda, may patutsada umano sa kanyang mga "haters"

Vice Ganda, may patutsada umano sa kanyang mga "haters"

- May mensahe si Vice Ganda patungkol umano sa mga haters o online trolls

- Kamakailan ay gumawa ng ingay si Vice sa social media dahil umano sa nasabi sa kanya ni Cristy Fermin

- Sa post, makikita ang isang Vice Ganda na tila 'unbothered' sa mga nangyayari sa ang binitawang salita sa kanya

- Isa sa mga naging usap-usapan din kamakailan ay ang isyu umano nila ni Juliana Parizcova Segovia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila may mensahe si Vice Ganda patungkol sa kanyang mga 'haters'. Gamit ang kanyang Instagram, nagbigay pahayag ang 'It's Showtime' host.

Vice Ganda, may patutsada umano sa kanyang mga "haters"
Vice Ganda, may patutsada umano sa kanyang mga "haters" (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram
"Haters hate the people they can’t be and the things they can’t have."

Nalaman ng KAMI na nai-post niya ito matapos ang umano'y akusasyon sa kanya ni Cristy Fermin.

"Hindi mo pa diniretso, pinatagilid mo pa samantalang kargado naman 'yung mga mensahe mo,

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Duwag nga siya e, bakit hindi mo pinangalanan? Natatakot ka? E 'di lalong kahiya-hiya itong nangyari ngayon, ang umalsa mga kababayan natin hindi si Juliana.

"Alam mo ito, pagka-pinagbasehan natin itong isyu na ito, isa lang ang kahulugan nito. Bastos si Vice Ganda, natatakot si Vice Ganda na baka isang araw, may lumampas sa kanya," ang naging maaanghang na pahayag ni Cristy kay Vice Ganda.

Sinasabing patungkol naman ito sa nasabi ni Vice na bagaman at hindi pinangalanan ang kanyang tinutukoy na isa na ngayong internet troll na kakilala niya.

May kilala rin akong ganito. Hindi naman siya toxic sa totoong buhay pero basher siya sa social media. Ta's nalaman ko kasi troll siya. Trabaho kasi, wala siyang pera e. So 'yun yung epekto, ginawa niya 'yun, kumapit siya 'dun, kahit mali kasi kailangan niya ng pera," pahayag ni Vice noong Abril 6 sa isang segment ng It's Showtime.

Read also

Archbishop Socrates Villegas, emosyonal na nagbigay mensahe sa mga PPCRV volunteers

Si Vice Ganda ay isang komedyante at TV host, at isang content creator kung saan pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Gumawa ng ingay si Vice nang sabihin niyang taong 2020 pa pala nang ma-engage sila ni Ion Perez ngunit hindi nila ito isinapubliko maging ang kanilang kasalan na noong Oktubre 2021 pa pala naganap.

Sa kabila ng pagsubok na kinaharap ng ABS-CBN sa pagpapasara ng kanilang network, isa si Vice sa mga nanatili bilang isang Kapamilya.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon, nakiisa si Vice Ganda sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' at tropang Angat. Sa mismong birthday rally ni VP Leni nitong Abril 23, itinaas niya ang kamay nito bilang pag-endorso at pagpapakita ng suporta sa kandidatura nito sa pagka-presidente.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel