Vice Ganda, muling sumampa sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' sa Bulacan
- Muling sumampa sa entablado ng campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' si Vice Ganda
- Ito ang ikalawang beses na nagpaunlak si Vice sa kampanya ni presidential candidate Leni Robredo
- Matatandaang unang beses itong lumabas sa kampanya ng mga 'Kakampink' noong birthday rally ni Vice President Robredo
- Itinaas niya noon ang kamay ni VP Leni bilang pagsuporta at pag-endorso niya sa kandidatura nito sa pagka-pangulo
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ginulat ni Vice Ganda ang mga 'Kakampink' sa Bulacan ng muli siyang sumampa sa entablado ng campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' ngayong Abril 27.
Nalaman ng KAMI na hindi raw talaga magtatanghal si Vice sa nasabing pagtitipon ng mga supporters nina presidential candidate Leni Robredo.
Ngunit nagbigay pugay pa rin siya sa mga kapwa niya 'Kakampink' na tinawag niyang "Madlang PINKpol"
"What's up madlang pipol! Gandang gabi madlang Pinkpol... Mula ngayon kayo na ang madlang Pinkpol!"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Hindi po talaga ako kasama sa programa ngayong gabi. Nandito lamang po ako at nagbigay pugay po kay Madam Leni at sa lahat ng mga narito at napag-isipan ko, nakakahiya naman kung hindi ako sasampa at magbibigay pugay manlang sa inyo."
Nasurpresa ang kanyang mga kapwa 'Kakampink' na hindi umano inaasahan ang pagtatanghal niya at pag-endorso kay VP Leni.
Ilan din sa mga bigating artista na nakisaya noon sa kaarawan ng bise presidente ay sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Gary Valenciano at Maricel Soriano.
Samantala, narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa Leni-Kiko campaign rally sa Bulacan na ibinahagi rin ng Rappler:
Si Vice Ganda ay isang komedyante at TV host, at isang content creator kung saan pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.
Kamakailan, ibinahagi nina Vice at Ion Perez na 2020 pa pala sila nang ma-engage ngunit hindi nila ito isinapubliko maging ang kanilang kasalan na noong Oktubre 2021 pa pala naganap.
Sa kabila ng pagsubok na kinaharap ng ABS-CBN sa pagpapasara ng kanilang network, isa si Vice sa mga nanatili bilang isang Kapamilya.
Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon, nakiisa si Vice Ganda sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' at tropang Angat. Sa mismong birthday rally ni VP Leni nitong Abril 23, itinaas niya kamay nito bilang pag-endorso at pagpapakita ng suporta sa kandidatura nito sa pagka-presidente.
Source: KAMI.com.gh