Vice Ganda, game na game sa Mommy challenge sa kanya ni Ivana Alawi

Vice Ganda, game na game sa Mommy challenge sa kanya ni Ivana Alawi

- Kumasa si Vice Ganda sa Mommy challenge sa kanya ni Ivana Alawi

- Masaya silang nag-bonding sa bahay mismo ng Unkabogable Star

- Game na game na nagkamay sa pagkain ng corned beef with rice si Ivana at request nitong Bulalo

- Natuwa rin si Mama Alawi nang tawagan siya ni Ivana at ipakausap ito kay Vice Ganda

- Nakakawala raw kasi ng stress panoorin si Vice ayon kay Mama Alawi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang nakakaaliw na video ang hatid ni Ivana Alawi kung saan hinamon nito si Vice Ganda ng 'mommy challenge'.

Vice Ganda, game na game sa Mommy challenge sa kanya ni Ivana Alawi
Vice Ganda at Ivana Alawi (Ivana Alawi YouTube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nag-bonding ang dalawa sa mismong bahay ng Unkabogable Star.

Pinagbigyan ni Vice ang request na food ni Ivana na 'bulalo' at habang hinihintay nila itong maihanda, ipinakita ni Vice ang kanyang kakaiba at sosyal na mga kagamitan sa bahay.

Read also

Mayor Isko sa kaarawan ni VP Leni: "I know she is in good places"

Walang kiyeme namang nagkamay si Ivana nang kumain na sila ng corned beef at kanin ng kanyang Mommy Vice.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanilang pagkikwentuhan, nasabi ni Vice na hindi umano siya nagda-diet at masayang kinakain na lamang ang kanyang naisin. Si Ivana naman, hindi raw mahilig sa atay.

Samantala, natuwa naman ang ina ni Ivana na si Mama Alawi nang ipakausap sa kanya ni Ivana si Vice Ganda.

Aniya, talagang natutuwa siya kay Vice na nakakawala umano ng stress tuwing pinapanood niya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ivana Alawi YouTube channel:

Si Vice Ganda ay isang komedyante at TV host, at isang content creator kung saan pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Kamakailan, ibinahagi nina Vice at Ion Perez na 2020 pa pala sila nang ma-engage ngunit hindi nila ito isinapubliko maging ang aknilang kasalan na noong Oktubre 2021 pa pala naganap.

Read also

Pau Fajardo, aminadong kailangan pa ng oras para makapagpatawad

Sa kabila ng pagsubok na kinaharap ng ABS-CBN sa pagpapasara ng kanilang network, isa si Vice sa mga nanatili bilang isang Kapamilya.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon, nakiisa si Vice Ganda sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' at tropang Angat. Sa mismong birthday rally ni VP Leni nitong Abril 23, itinaas niya kamay nito bilang pag-endorso at pagpapakita ng suporta sa kandidatura nito sa pagka-presidente.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel