Cristy Fermin sa umano'y isyu ni Vice Ganda kay Juliana Parizcova: "Duwag si Vice Ganda"

Cristy Fermin sa umano'y isyu ni Vice Ganda kay Juliana Parizcova: "Duwag si Vice Ganda"

- Matapang ang naging pahayag ni Cristy Fermin kay Vice Ganda patungkol sa naging isyu umano nila ni Juliana Parizcova Segovia

- Aniya, tila wala raw lakas ng loob si Vice na pangalanan ang sinabi nitong mabuti mang tao ngunit dala ng hirap ay naging isa umanong internet troll

- Wala mang sinabing pangalan si Vice kung sino ito, ang netizens na umano ang nakatunog na ang tinutukoy nito ay si Juliana

- Dagdag pa ni Cristy, tila natatakot pa raw si Vice na mayroong makaungos sa kanyang kasikatan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapang ang mga naging pahayag ng kilalang showbiz reporter na si Cristy Fermin patungkol kay Vice Ganda.

Cristy Fermin sa umano'y isyu ni Vice Ganda kay Juliana Parizcova: "Duwag si Vice Ganda"
Cristy Fermin (Photo: Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay kaugnay ng naging pahayag ni Vice sa isang kakilala niya na bagama't alam niyang mabait, subalit dala ng hirap ng buhay ay naging isa na umanong internet troll.

Read also

Chie Filomeno, umalma sa pagdawit sa kanya sa isang malisyosong video

"May kilala rin akong ganito. Hindi naman siya toxic sa totoong buhay pero basher siya sa social media. Ta's nalaman ko kasi troll siya. Trabaho kasi, wala siyang pera e. So 'yun yung epekto, ginawa niya 'yun, kumapit siya 'dun, kahit mali kasi kailangan niya ng pera," pahayag ni Vice noong Abril 6 sa isang segment ng It's Showtime.

Bagaman at walang pinangalanan si Vice, marami ang nakatunog na si Juliana Parizcova Segovia ang tinutukoy ng Unkabogable Star.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging si Juliana mismo ay inalmahan umano ang nasabi ni Vice na sinundan pa ng pagtatanggol umano sa kanya noon ng direktor na si Daryl Yap.

Ayon kay Cristy, 'duwag' si Vice na hindi diretsahang nasabi kung sino ang tinutukoy sa kontrobersyal nitong pahayag.

"Hindi mo pa diniretso, pinatagilid mo pa samantalang kargado naman 'yung mga mensahe mo,

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

"Duwag nga siya e, bakit hindi mo pinangalanan? Natatakot ka? E 'di lalong kahiya-hiya itong nangyari ngayon, ang umalsa mga kababayan natin hindi si Juliana.
"Alam mo ito, pagka-pinagbasehan natin itong isyu na ito, isa lang ang kahulugan nito. Bastos si Vice Ganda, natatakot si Vice Ganda na baka isang araw, may lumampas sa kanya," ang naging maaanghang na pahayag ni Cristy kay Vice Ganda.

Narito ang kabuuan ng kanyang mga nasabi mula sa Showbiz Now Na!:

Si Vice Ganda ay isang komedyante at TV host, at isang content creator kung saan pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Gumawa ng ingay si Vice nang sabihin niyang taong 2020 pa pala nang ma-engage sila ni Ion Perez ngunit hindi nila ito isinapubliko maging ang kanilang kasalan na noong Oktubre 2021 pa pala naganap.

Sa kabila ng pagsubok na kinaharap ng ABS-CBN sa pagpapasara ng kanilang network, isa si Vice sa mga nanatili bilang isang Kapamilya.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon, nakiisa si Vice Ganda sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' at tropang Angat. Sa mismong birthday rally ni VP Leni nitong Abril 23, itinaas niya ang kamay nito bilang pag-endorso at pagpapakita ng suporta sa kandidatura nito sa pagka-presidente.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel