Chie Filomeno, umalma sa pagdawit sa kanya sa isang malisyosong video

Chie Filomeno, umalma sa pagdawit sa kanya sa isang malisyosong video

- Hindi pinalampas ni Chie Filomeno ang pandadawit ng ilang netizens sa kanyang pangalan sa kiumakalat na malisyosong video

- Hinamon niya ang isang netizen na ipadala sa kanya ang video at patunayan na siya ang naroroon sa nasabing video

- Dati pang lumabas ang naturang haka-haka kaya tila nasabi ni Chie na paulit-ulit na ang isyung ito at nakakasawa na

- Nauna na ring inalmahan ni Zeus Collins ang naturang haka-haka kung saan silang dalawa ni Chie ang sinasangkot

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inalmahan ni Chie Filomeno ang pandadawit muli sa kanya sa isang malisyosong video na kumakalat ngayon. Dati pang lumabas ang naturang haka-haka kaya tila nasabi ni Chie na paulit-ulit na ang isyung ito at nakakasawa na.

Chie Filomeno, umalma sa pagdawit sa kanya sa isang malisyosong video
Chie Filomeno (photo from Instagram: chiefilomeno)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook post, sunod-sunod ang naging pahayag ni Chie kaugnay sa isyu. Kinuwestiyon ni Chie ang source ng naturang video na aniya ay paulit-ulit na lang.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Ano source mo? FB sure ball. Pag sure uy kung totoo mga pinag ppost niyo sa FB, kung mag uungkat kayo siguraduhin niyo totoo, wag paulit ulit at wag kayo mangdamay ng ibang tao. ISSUE YARN?

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang post, hinamon ni Chie ang isang netizen na naglabas ng video. Aniya, siguraduhin nito na mapatunayan niyang si Chie ang nasa video.

Ano Megan San Miguel dali share mo yung video, siguraduhin mo lang hindi mo sasayangin ang oras nila ah? Lalo na oras ko. Dali send mo sa akin. Maninira ka pa ah. Bardagulan gusto niyo eh. Paulit ulit na issue ah nakakasawa na

Nauna na ring inalmahan ni Zeus Collins ang naturang haka-haka kung saan silang dalawa ni Chie ang sinasangkot.

Si Chienna Filomeno ay isang modelo at costplayer. Naging bahagi siya ng Girltrends, isang all-girl group na bahagi ng noontime show na It's Showtime.

Read also

Lola sa viral video na nag-aabang kay VP Leni noong kampanya, pumanaw na

Matatandaang naging kontrobersiyal ang di pagkakaunawaan nila ng kasamahang si Dawn Chang. Kinalaunan ay nagsalita si Chie tungkol sa posibilidad ng kanilang pagbabati.

Isa sa ay naging kontrobersiyal na isyu tungkol sa kanya ay nang magtanong siya kung paano kainin ang ulo ng tuyo habang kumakain sa loob siya ng PBB house. Naging usap-usapan din ang pag-nominate ni Madam Inutz kay Chie.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel