Cristy Fermin 'pag nanonood ng vlogs ni Angeline Quinto: "Para akong naaawa sa kanya"

Cristy Fermin 'pag nanonood ng vlogs ni Angeline Quinto: "Para akong naaawa sa kanya"

- Nakaramdam daw ng awa si Cristy Fermin tuwing nanonood ito ng mga vlogs ni Angeline Quinto kamakailan

- Aniya, tila wala na rin umanong itinago sa sarili si Angeline na lahat talaga ng kaganapan sa kanyang buhay ay naibahagi niya sa kanyang YouTube channel

- Maging umano ang anak ni Angeline na si Sylvio ay agad na naisama sa kanyang vlog at ito na rin umano ang content nito

- Payo niya kay Angeline, matuto raw itong magtira pa rin sana sa para sa sarili niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naglabas ng saloobin si Cristy Fermin patungkol sa mga vlog ni Angeline Quinto kamakailan.

Cristy Fermin 'pag nanonood ng vlogs ni Angeline Quinto: "Para akong naaawa sa kanya"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nakaramdam umano ng awa si Cristy kay Angeline sa tuwing mapapanood niya ang mga video nito tungkol sa kanyang nobyo at anak nilang si Sylvio.

"Kasi si Angeline Quinto po, mula nang magdalang-tao, mula nang manganak, mula noong paliguan ang anak, paano nagkaroon ng boyfriend, wala nang itinira sa sarili," ani Cristy.

Agad din daw nitong isinapubliko kung sino ang ama ng kanyang ipinagbuntis na umaming mayroon nang mga anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Saka 'yung anak niya, iilang oras pa lang sa mundo, naka-vlog na!"
"Asan na ang mystery? Wala na siyang itinatago,"

Kaya naman, pinayuhan din niya si Angeline na sana'y magtira pa rin ito sa sarili sa kabila ng pagbubuhos ng pagmamahal sa kanyang anak at nobyo.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy Fermin mula sa Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin ay veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Kamakailan, nabigyang puri ni Cristy ang hosting skills ni Toni Gonzaga lalo na sa pagsampa nito sa entablado ng UniTeam. Aniya, wala raw kasi itong binabasa gaya ng teleprompter sa kanyang pagkampanya sa 'BBM-Sara tandem.'

Gayundin si Megastar Sharon Cuneta na kanyang binigyang puri rin dahil umano sa kilos nito na pang-edukadong tao talaga. Nakita raw ito sa campaign rally kung saan siya ang nagpakilala kay Maricel Soriano kahit na si presidential candidate Leni Robredo lang ang sinusuportahan 'di umano nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel