Tom Rodriguez, nag-post ng larawan ng dalawang kamay na tila nakawala sa gapos

Tom Rodriguez, nag-post ng larawan ng dalawang kamay na tila nakawala sa gapos

- Sa kanyang Instagram Story, nag-post si Tom Rodriguez ng picture na talaga namang umani ng reaksiyon mula sa netizens

- Ito ay larawan ng dalawang kamay na tila nakawala sa gapos ng isang kadena

- Binahagi niya ito sa gitna ng lumabas na balitang inaasekaso na ni Carla Abellana ang annulment ng kanilang kasal

- Matatandaang nitong nakaraang mga araw ay hindi aktibo ang Instagram ng aktor at muli lang niyang ni-reactivate ito nitong Miyerkules, June 1, 2022

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Walang direktang pahayag si Tom Rodriguez ngunit nagbahagi ito ng larawan ng dalawang kamay na tila nakawala sa pagkagapos ng isang kadena. Ito ay sa gitna ng lumabas na balitang inaasekaso na ni Carla Abellana ang annulment ng kanilang kasal.

Tom Rodriguez, nag-post ng larawan ng dalawang kamay na tila nakawala sa gapos
Carla Abellana (@carlaangeline)
Source: Instagram

Ayon kay Cristy Fermin, nagpapahanda na umano ng dokumento ng annulment ang aktres. Dagdag pa niya, lumala na umano ang sitwasyon ng dalawa habang hindi pa rin ng mga ito nabibigyang linaw ang mga espekulasyon sa kanila umanong hiwalayan.

Read also

Moira Dela Torre, dalawang buwan nang nilisan ang kanilang tirahan ni Jason Hernandez

Matatandaang matapos nga bawiin ng ama ni Carla na si PJ Abellana ang kanyang pahayag na nagkaroon ng ka-one night stand si Tom Rodriguez na siyang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng asawang si Carla, lalong naging maingay ang isyu. Damage control lamang umano ang pagbawi ni PJ sa kanyang pahayag.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nabanggit din ni Nay Cristy sa kanyang naunang episode sa kanyang online show na nagalit umano si Carla sa ama at lumabas pang absent father umano si PJ matapos ang nilabas na pahayag ng ama niya.

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Masaya umano si Carla na tumira si Tom sa bahay niya dahil wala siyang kasama dahil matapos ang pagpapatupad ng mga lockdown ay wala siyang kasama dahil nagsiuwian sa kani-kanilang pamilya ang mga kasama niya sa bahay.

Read also

Vlogger, nag-iiwan ng pera sa iba't ibang lugar para hanapin ng maswerte niyang follower

Matatandaang inamin ni Carla na hindi sila laging sweet ng nobyo na kinalaunan ay naging asawa na niyang si Tom Rodriguez. Nagsama na ang dalawa sa isang bubong simula nang magkaroon ng pandemya.

Kasunod ng paglabas ng balitang hiwalay na sila ni Tom matapos ang tatlong buwang pagsasama bilang mag-asawa, naibahagi ni Cristy Fermin na inaasikaso na si Carla ang tungkol sa annulment ng kanilang kasal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel