Cristy Fermin, hindi na raw umano nararamdaman ang career ni Liza Soberano

Cristy Fermin, hindi na raw umano nararamdaman ang career ni Liza Soberano

- Napag-usapan nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika ang tungkol sa nangyayari ngayon sa career ni Liza Soberano

- Pansin umano nilang nanamlay ito at hindi na nga ngayon maramdaman ang aktres

- Matatandaang si James Reid na ang isa sa humahawak ng career ni Liza na sumusubok ngayon sa international scene

- Si Liza sana ang gaganap bilang bagong Darna subalit kinailangan ito noong sumailalim sa surgery ng kanyang daliri sa kamay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga tinalakay nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika sa pinakabagong episode nila ng Showbiz Now Na! ay ang showbiz career ni Liza Soberano.

Cristy Fermin, hindi na raw umano nararamdaman ang career ni Liza Soberano
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na pare-pareho halos ang komento ng tatlo na napansin ang pananamlay ng career ni Liza buhat nang sumubok ito sa Hollywood sa poder ng bagong manager na si James Reid.

Read also

Dating Pangulong Fidel V. Ramos, namayapa na sa edad na 94

"Ako pakiramdam ko sa kanya, nawala ang kinang niya," bungad ni Romel.

"Ay sorry sa mga taga-Liza pero ako, gusto ko si Liza pero hindi ko na siya napapagkita-kita na merong ginagawa," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Marami siyang sinayang. Marami siyang tinanggal o binitawan na dati nang hawak niya, na hinayaan niyang mawala sa kanya. Humilagpos pa," ayon naman kay Morly.

Sinabi naman ni Cristy na bagaman at mahal si Liza bilang dating alaga ni Ogie Diaz na malapit sa puso niya, subalit ramdam niya umano ang kawalan ng aktres.

"Ramdam ko ngayon kasi nagsusulat ako e, alam ko mga galaw ng mga dyaryo ng TV ng radyo, nawala si Liza Soberano," ani Cristy.

Napabalita lamang daw ito pansumandali sa pag-alis sa poder ng dating manager na si Ogie Diaz subalit nang sumubok na ito sa pagiging international star, wala na umano itong ginagawang ingay sa ngayon.

Read also

Ogie Diaz, hanga sa pagmamahal at pag-aalaga ni Matteo Guidicelli sa misis na si Sarah Geronimo

"Suntok sa buwan 'yung gagawin niyang pagpasok sa Hollywood. Suntok sa buwan 'yung gagawin nila ni James Reid na pagpasok ng Hollywood. Napakasuswerte ng mga nakaeentra sa Hollywood. Sana mapasama siya doon pero sa tingin ko parang matatagalan," matapang na pahayag ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang chikahan mula sa YouTube channel nila na Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin ay veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Kamakailan nga ay napag-usapan nila nina Romel Chika at Morly Alinio sa kanilang channel ang umano'y motibo ni James Reid sa paghawak ng career ni Liza Soberano.

Tahasang ibinunyag ni Cristy na noon pa ma'y crush na umano ni James si Liza at ang pagiging manager nito ngayon ay plano at 'premeditated' na umano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel