Cristy Fermin, may kutob sa umano'y motibo ni James Reid bilang manager ni Liza Soberano

Cristy Fermin, may kutob sa umano'y motibo ni James Reid bilang manager ni Liza Soberano

- Diretsahang sinabi ni Cristy Fermin na tila may ibang motibo umano si James Reid sa pagiging manager ni Liza Soberano

- Nabanggit din niya ang kanya umanong nabalitaan na crush daw ni James si Liza noon pa man

- Aniya, malakas ang kutob niya na kung laging magkasama ang dalawa, malaki ang posibilidad na ma-develop ang mga ito sa isa't isa

- Matatandaang hanggang noong Mayo 31 na lamang ang kontrata ni Liza kay Ogie Diaz at simula ngayong Hunyo 1, ang grupo na ni James ang humahawak ng kanyang career

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Malakas daw umano ang kutob ni Cristy Fermin na tila may iba pang motibo si James Reid sa pagiging bagong manager ng aktres na si Liza Soberano.

Cristy Fermin, may kutob sa umano'y motibo ni James Reid bilang manager ni Liza Soberano
Cristy Fermin (Showbiz Now Na)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa ito sa tinalakay nina Cristy, Romel Chika at Morly Alinio sa pinakabanggong episode ng Showbiz Now Na!

Read also

Cristy Fermin sa tweet ni Mo twister ukol umano sa BBM supporters: "Napakayabang"

"Ito naman ay sabi-sabi lang, at kahit noon ay nabasa ko. Crush ni James Reid at Daniel Padilla si Liza," ang naibahagi ni Cristy

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Malakas ang kutob ko, planado 'to. Premeditated po ito para sa akin," aniya.

Bukod pa rito, sinabi rin ni Cristy na hindi umano malayong mangyari na magkadebelopan ang dalawa na lagi na ngayong magkasama.

"Malakas ang kutob ko, planado 'to... Meron nang unti-unting nade-develop, papunta na sila doon"

Narito ang kabuuan ng kanilang chikahan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin ay veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Read also

Cristy Fermin, pinabulaanang naubusan ng pera si Manny Pacquiao: "Milyonaryo naman"

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button.

Nabigyang puri rin ni Cristy ang hosting skills ni Toni Gonzaga lalo na sa pagsampa nito sa entablado ng UniTeam. Aniya, wala raw kasi itong binabasa gaya ng teleprompter sa kanyang pagkampanya sa 'BBM-Sara tandem.'

Gayundin si Megastar Sharon Cuneta na kanyang binigyang puri rin dahil umano sa kilos nito na pang-edukadong tao talaga. Nakita raw ito sa campaign rally kung saan siya ang nagpakilala kay Maricel Soriano kahit na si presidential candidate Leni Robredo lang ang sinusuportahan 'di umano nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel