Ogie Diaz, hanga sa pagmamahal at pag-aalaga ni Matteo Guidicelli sa misis na si Sarah Geronimo

Ogie Diaz, hanga sa pagmamahal at pag-aalaga ni Matteo Guidicelli sa misis na si Sarah Geronimo

- Bilib umano si Ogie Diaz sa pagmamahal at pag-aalaga ni Matteo Guidicelli sa misis na si Sarah Geronimo

- Sinang-ayunan naman siya ng kapwa host ng kanyang Showbiz Update YouTube channel na si Mama Loi

- Makikita sa post ni Matteo at maging sa mga interviews nito kung gaano niya pinapahalagahan si Sarah

- Naniniwala rin siyang faithful talaga si Matteo sa kanyang misis at maging ang mga netizens at napapansin din umano ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hanga umano si Ogie Diaz sa pagmamahal at pag-aalagang nagagawa ni Matteo Guidicelli sa misis nitong si Sarah Geronimo.

Ogie Diaz, hanga sa pagmamahal at pag-aalaga ni Matteo Guidicelli sa misis na si Sarah Geronimo
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo (@matteog)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na napag-usapan nila ito dahil sa katatapos lamang na kaarawan ni Sarah kung saan super sweet pa rin ng greeting ni Matteo sa kanya.

Maging si Mama Loi, ang co-host ni Ogie sa Showbiz Updates channel niya ay sinang-ayunan ang paghanga ni Ogie sa mag-asawa.

Read also

Vanessa Raval, sinagot ang hamon ni Skusta Clee: "Hindi nga ikaw 'yon"

"Alam mo ang pinaka-evident diyan na pagpapatototoo nay, 'yung kung gaano mo makita kung gaano kasaya si Sarah," ani Mama Loi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa mga larawan ni Sarah na kasama ang mister nitong si Matteo, mababakas umano ang saya nito sa buhay may asawa.

Napaka-supportive din umano si Matteo pagdating sa career ni Sarah lalo na at nagbabalik muli ito sa pagtatanghal sa ASAP.

Proud husband din daw si Matteo na sa tuwing tintawag si Sarah na 'Sarah Geronimo', sinasabi nitong 'Sarah Geronimo Guidicelli' ang dapat.

"Bakas ko, 'yung ramdam ko kay Matteo na isa siyang faithful husband," pahayag ni Ogie D.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Read also

Angel Locsin, muling napuri ni Cristy Fermin at mga kasamahan nito sa SNN

Sobrang happy naman ngayon si Sarah G na kamakailan lang ay nagdiwang ng ikalawang anibersaryo ng kasal nila ni Matteo Guidicelli.

Gayunpaman, matatandaang noong Kapaskuhan ng 2021, nag-viral ang emosyonal na pag-awit ni Sarah ng 'Sana ngayong Pasko'.

Maging ang batikang showbiz reporter na si Ogie Diaz ay nakapagbigay komento rito matapos na mapansin ng netizens na tila pamilya raw ni Sarah G ang naiisip nito habang ito'y kinakanta niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel