Vanessa Raval, sinagot ang hamon ni Skusta Clee: "Hindi nga ikaw 'yon"

Vanessa Raval, sinagot ang hamon ni Skusta Clee: "Hindi nga ikaw 'yon"

- Sinagot ni Vanessa Raval ang mensahe ni Skusta Clee para sa kanya kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na post

- Sinabi niyang hindi siya pwedeng magbanggit ng pangalan dahil maari siyang makasuhan

- Matatandaang nauna nang hinamon ni Skusta si Vanessa na ilabas kung sino ang ka-chat nito

- Ito ay matapos umano siyang iugnay ng mga netizens sa post ni Vanessa kaugnay sa isang rapper na hindi siya tinitigilan sa chat

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Vanessa Raval, hindi naman siya maaring magbanggit ng pangalan dahil kahit nasa tama umano siya ay maari siyang makasuhan. Ito ang kanyang sagot sa hamon ni Skusta na ilabas kung sino ang kanyang ka-chat.

Vanessa Raval, sinagot ang hamon ni Skusta Clee: "Hindi nga ikaw 'yon"
Vanessa Raval, sinagot ang hamon ni Skusta Clee: "Hindi nga ikaw 'yon" (facebook.com/VanessaRavalOfficialPage)
Source: Facebook
Pre, Hindi nga Ikaw yon. Hindi ako pwede mag name drop Alam nyo naman sa pilipinas Kapag nag name drop ka sa social media khit Ikaw tama,?Ikaw parin kaksuhan. Sino paba?

Read also

Vanessa Raval, muling itinangging si Skusta Clee ang tinutukoy sa post niya

Nag-umpisa ang isyu nang umalma si Vanessa sa isang rapper na umano ay hindi siya tinitigilan sa chat. Hindi na nito pinangalanan kung sino ang rapper na kanyang tinutukoy ngunit aniya ay nababatikos na ito sa umano'y pambababae niya. Nabanggit niya rin na mahilig ito sa malaman ngunit aniya ay huwag na siya dahil maganda ang lahi ng kanyang ama.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vanessa Raval ay isa sa mga anak ng dating matinee idol na si Jeric Raval. Kahit hindi pa siya pumapasok sa mundo ng showbiz, nakilala siya sa pagiging isang content creator at TikToker at mayroon na ring libo-libong followers sa kanyang ibang social media account. Kapatid niya ang maituturing na isa sa pinaka-kontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan, si AJ Raval.

Matatandaang sinabi ni AJ na hindi umano totoong buntis siya kagaya sa mga lumabas na bali-balita. Mariin niyang itinanggi ang balitang may pelikula siyang hindi natapos sa kadahilanang buntis umano siya. Gayunpaman, nilinaw niyang nagpositibo siya sa COVID-19. Tahimik pa rin ang kampo ni Aljur Abrenica kaugnay sa isyu.

Kamakailan ay binahagi ni Vanessa ang naging pag-uusap nila ng hindi niya pinangalanang rapper. Makikita sa binahaging screenshots ni Vanessa na niyaya siya nito na makipagkita sa kanya. Gayunpaman, nilinaw ni Vanessa na may boyfriend siya at aniya ay hindi maganda na makipagkita siya dito. Matatandaang naging usap-usapan ang post ni Vanessa kaugnay sa isang rapper na hindi umano siya tinatantanan sa chat.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel