Vanessa Raval, nagbahagi ng screenshot ng natanggap na mensahe

Vanessa Raval, nagbahagi ng screenshot ng natanggap na mensahe

- Binahagi ni Vanessa Raval ang naging pag-uusap nila ng hindi niya pinangalanang rapper

- Makikita sa binahaging screenshots ni Vanessa na niyaya siya nito na makipagkita sa kanya

- Gayunpaman, nilinaw ni Vanessa na may boyfriend siya at aniya ay hindi maganda na makipagkita siya dito

- Matatandaang naging usap-usapan ang post ni Vanessa kaugnay sa isang rapper na hindi umano siya tinatantanan sa chat

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Vanessa Raval ng screenshot ng conversation nila ng aniya'y isang sikat na rapper. Kagaya sa mga nauna niyang post, hindi niya pinangalanan ang tinutukoy niyang rapper.

Vanessa Raval, nagbahagi ng screenshot ng natanggap na mensahe
Vanessa Raval, nagbahagi ng screenshot ng natanggap na mensahe (facebook.com/VanessaRavalOfficialPage)
Source: Facebook

Makikita sa binahaging screenshots ni Vanessa na niyaya siya nito na makipagkita sa kanya. Nilinaw din niyang may boyfriend siya at hindi maganda tingnan na makipagkita siya dito.

Sa sumunod na bahagi ng kanilang pag-uusap ay niyaya nito si Vanessa na mag-overnight kasama siya. Nabanggit rin ng rapper na hindi na umano sila okay at hindi sila magkaintindihan ng karelasyon nito.

Read also

Vanessa Raval, muling itinangging si Skusta Clee ang tinutukoy sa post niya

Dito na siya sinagot ni Vanessa na hindi tama na magdagdag ito ng babae kapag may pinagdadaanang problema sa relasyon. Binanggit pa ng di pinangalanang rapper na marami umano ang nakapila sa kanya na pinalagan ni Vanessa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vanessa Raval ay isa sa mga anak ng dating matinee idol na si Jeric Raval. Kahit hindi pa siya pumapasok sa mundo ng showbiz, nakilala siya sa pagiging isang content creator at TikToker at mayroon na ring libo-libong followers sa kanyang ibang social media account. Kapatid niya ang maituturing na isa sa pinaka-kontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan, si AJ Raval.

Matatandaang sinabi ni AJ na hindi umano totoong buntis siya kagaya sa mga lumabas na bali-balita. Mariin niyang itinanggi ang balitang may pelikula siyang hindi natapos sa kadahilanang buntis umano siya. Gayunpaman, nilinaw niyang nagpositibo siya sa COVID-19. Tahimik pa rin ang kampo ni Aljur Abrenica kaugnay sa isyu.

Read also

Vanessa Raval, sinagot ang hamon ni Skusta Clee: "Hindi nga ikaw 'yon"

Matatandaang inalmahan ni Vanessa ang rapper na umano ay hindi siya tinitigilan sa chat. Hindi na nito pinangalanan kung sino ang rapper na kanyang tinutukoy ngunit aniya ay nababatikos na ito sa umano'y pambababae niya. Nabanggit niya rin na mahilig ito sa malaman ngunit aniya ay huwag na siya dahil maganda ang lahi ng kanyang ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel