Angel Locsin, muling napuri ni Cristy Fermin at mga kasamahan nito sa SNN

Angel Locsin, muling napuri ni Cristy Fermin at mga kasamahan nito sa SNN

- Muling binigyang puri nina Cristy Fermin at kapwa niya host ng "Showbiz Now Na!" si Angel Locsin

- Ayon sa kanila, hindi matatawaran ang kabutihan ng puso ng aktres na maging ang mga showbiz reporters at kilala niya at natulungan na niya

- Bukod sa pagiging mapagbigay, likas umanong magalang at marunong magpasalamat ang aktres

- Naikwento rin ng mga SNN hosts ang mga nagulat at natulungan ni Angel noong kasagsagan ng lockdown sa Pilipinas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang paulit-ulit ang pagpapakita ng paghanga at papuri ang mga Showbiz Now Na! hosts na sina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa aktres na si Angel Locsin.

Angel Locsin, muling napuri ni Cristy Fermin at mga kasamahan nito sa SNN
Angel Locsin (@therealangellocsin)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa bagong episode ng SNN, nabanggit muli nila si Angel bilang isa sa may mabubuting puso sa showbiz.

Read also

Driver ng nasawing ex-Lamitan mayor Rose Furigay sa Ateneo shoot-out, aminadong 'di makatulog

"Nanay, maraming salamat po sa episode ng SNN. Pakisabi po kay Morly at Romel, kung may meeting po kayo ipalista niyo lang po ako ang sasagot," ang sabi raw ni Angel kay Cristy bilang pasasalamat nito sa mabubuting salita ng mga ito sa kanya.

Maging si Morly naman ay may personal na karanasan sa kabutihang ipinakita sa kanya ni Angel.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Nag-aapoy pa nga 'yung bahay ko Ate Cristy 'nung nasunugan ako sa Parola... Nag-aapoy pa, andun na 'yung tulong niya [Angel]" kwento ni Morly na hindi talaga malilimutan si Angel na agarang kung magbigay ng tulong.

Kinuwento naman ni Romel kung paano rin natulungan ni Angel ang mga performers na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Nagulat pa raw ang mga ito nang biglang may dumating na tulong mula sa aktres na pinagmalasakitan sila.

Read also

Cristy Fermin, pinayuhan si Alyssa Alvarez tungkol sa bashers ng anak na si AJ Raval

Narito ang kabuuan ng kanilang mga pahayag:

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa kabi-kabila niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Kilala siya sa tahimik ngunit agarang pagtulong sa ating mga kababayang nasasalanta ng iba't ibang kalamidad.

Dahil dito, kamakailan lang ay nabigyang puri na naman siya ng batikang showbiz reporter na si Cristy Fermin sa programa nitong Showbiz Now Na!

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel