Angel Locsin, muling pinuri ni Cristy Fermin; "Ang utak niya nasa tamang lugar"

Angel Locsin, muling pinuri ni Cristy Fermin; "Ang utak niya nasa tamang lugar"

- Muling pinuri ni Cristy Fermin ang aktres na si Angel Locsin

- Ito ay dahil sa naging reaksyon nito matapos ang eleksyon kung saan hindi pinalad ang sinuportahan nitong mga kandidato

- Nabanggit din nina Cristy ang walang sawang pagtulong ni Angel sa mga kababayan nating nangangailangan

- Matatandaang si Angel ang isa sa mga unang nagpakita ng pagtanggap sa naging resulta ng Halalan noong Mayo 9

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling binigyang puri ni Cristy Fermin ang ang aktres na si Angel Locsin.

Angel Locsin, muling pinuri ni Cristy Fermin; "Ang utak niya nasa tamang lugar"
Angel Locsin (@therealanglelocsin)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nabanggit niya ito sa kanyang programang Showbiz Now Na, kasama sina Romel Chika at Morly Alinio.

Saludo raw si Cristy kay Angel lalo na sa naging reaksyon nito sa resulta ng katatapos lamang na eleksyon kung saan malayo ang naging agwat ni Bongbong Marcos sa sinuportahang kandidato ni Angel na si VP Leni Robredo.

Read also

Cristy Fermin kay Kakie Pangilinan: "Nakapagtataka talaga ang mga ginagawa ni Kakie"

'Yun ang maganda kay Angel. Ang utak niya, wala sa talampakan. Ang utak niya nasa tamang lugar. Nakipaglaban siya, nanindigan siya, meron siyang minanok pero wala tayong magagawa. Ang nanalo ay si BBM (Bongbong Marcos).

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Anong ginawa ni Angel, tanggap niya na talagang ganoon sa anumang laban. Merong masaya, merong malungkot at kailangang tanggapin kung ano ang kapalaran."

Dagdag pa ni Romel Chika, tila si Angel ang naging daan upang matigil na umano ang 'bashing' sa magkabilang panig ng mga supporters sa pulitika.

"At ito yung naging paraan para matigil na ang mga bashing. Tingnan mo, nung nagpost siya noong magagandang pagtanggap sa mga bagong uupo na pangulo, Gumaganda na, unti-unti nang natatanggap din ng mga BBM na ah, at least ito nagpapakumbaba na... tinatanggap na ang mga nangyayari," ani Romel.

Read also

Yeng Constantino, ipinakita ang napakagandang view mula sa kanilang farm

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin ay veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Kamakailan, nabigyang puri ni Cristy ang hosting skills ni Toni Gonzaga lalo na sa pagsampa nito sa entablado ng UniTeam. Aniya, wala raw kasi itong binabasa gaya ng teleprompter sa kanyang pagkampanya sa 'BBM-Sara tandem.'

Gayundin si Megastar Sharon Cuneta na kanyang binigyang puri rin dahil umano sa kilos nito na pang-edukadong tao talaga. Nakita raw ito sa campaign rally kung saan siya ang nagpakilala kay Maricel Soriano kahit na si presidential candidate Leni Robredo lang ang sinusuportahan 'di umano nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel