Mama Loi, nabanggit ang malaking tulong ni Ogie Diaz kay Andrew Schimmer

Mama Loi, nabanggit ang malaking tulong ni Ogie Diaz kay Andrew Schimmer

- Ibinisto ni Mama Loi ang tulong na naibigay umano ni Ogie Diaz kay Andrew Schimmer lalo na sa misis nito

- Ito ay matapos na makapanayam niya ang aktor at mas maipaliwanag sa publiko ang kanilang pinagdaraanan sa kanyang misis

- Inakala ng iba na basta lang na-interview ni Ogie si Andrew at sinabi pa ng ilan na sana'y nagpaabot din ito ng tulong

- Kaya naman kahit pinipigilan ni Ogie Diaz, nabanggit ni Mama Loi na nag-abot din umano ng tseke si Ogie kay Andrew

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabisto ni Mama Loi si Ogie Diaz na nakapagbigay umano ng may kalakihang halaga sa aktor na si Andrew Schimmer para sa patuloy na pagpapagamot ng misis nitong nakaratay sa ospital.

Mama Loi, ibinisto ang malaking tulong ni Ogie Diaz kay Andrew Schimmer
Mama Loi, Tita Jegs at Ogie Diaz (Showbiz Update)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na matapos na isa-ere ang panayam ni Ogie Diaz kay Andrew, marami ang nagsabing sana'y binigyan din ito ng tulong pinansyal ni Ogie.

Read also

Ogie Diaz, kusang manonood ng Katips; "kami 'di kailangan ng passes"

"'Yung iba naman ang sinasabi, anong tulong ang nagawa namin. Una naibahagi namin sa inyo 'yung kwento niya. Hindi naman 'pag tutulong kami kailangan i-camera pa. Syempre hindi na po, kaya yung iba kinikwestyon kami," pagbibigay linaw ni Ogie.

"Kung alam niyo lang po kung magkano 'yung naitulong no," ang nasabi naman ni Mama Loi na agad na pinigilan ni Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Nakita ko 'yung tseke e," dagdag pa ni Mama Loi na muling pinigilan ni Ogie D.

"Alam mo, basta masarap namang tumulong kaysa 'yung ikaw ang tulungan. Kung may kapasidad kang tumulong, tumulong ka. Kaya naman nakakatuwa 'yung mga netizens yung pagka-Pilipino nila, yung pagka-Pinoy nila sa pagtulong, namamayani ngayon at namamayagpag," ani Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

Mama Alawi, napatanong sino ang "J" na nakaalala raw kay Ivana

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Sa kanya ngang Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang nakakaantig pusong interview niya kay Andrew Schimmer. Pumalo na sa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel