Ogie Diaz, kusang manonood ng Katips; "kami 'di kailangan ng passes"

Ogie Diaz, kusang manonood ng Katips; "kami 'di kailangan ng passes"

- Hindi na raw kailangan pa ni Ogie Diaz ng passes at kusang loob silang manonood ng pelikulang 'Katips'

- Aminadong hindi pa napapanood ni Ogie ang naturang pelikula na tumabo na umano ng 41.8 million ang kinita sa unang dalawang araw pa lang nito

- Nabanggit din niya kasi ang namimigay umano ng passes ngunit ayaw raw umanong panoorin

- Sinegundahan naman ni Mama Loi na marami na ang nagsasabing maganda ang pelikulang 'Katips' na makapagbibigay ng halo-halong emosyon sa mga manonood

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kusang-loob umanong manonood si Ogie Diaz ng pelikulang 'Katips' na tumabo ng 41.8 million ang kita sa unang dalawang araw mula nang ito ay naipalabas noong Agosto 3.

Ogie Diaz, 'kusang' manonood ng Katips; "kami 'di kailangan ng passes"
Sina Mama Loi, Tita Jegs at Ogie Diaz (Show Update)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nasabi niya ito matapos na batiin ang direktor ng nasabing pelikula na si Atty. Vince Tañada.

Read also

Mama Loi, nabanggit ang malaking tulong ni Ogie Diaz kay Andrew Schimmer

Aminado si Ogie na hindi pa niya napapanood ang naturang pelikula ngunit labis siyang interesado rito lalo na at maraming nagsasabing maganda ang pagkakagawa nito.

Aniya, hindi raw siya naghihintay ng passes na napapabalitang ipinamimigay sa ibang pelikula.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi pa rin namin napapanood no, pero hindi po kami naghihintay ng passes. E kasi 'yung iba may namimigay ng passes ayaw namang panoorin. So kami, hindi kailangang bigyan ng passes. Dahil kami ang manonood. Manonood kami dahil naiintriga ako sa "Katips" na 'yan," ani Ogie.

Halo-halong emosyon daw kasi ang madarama sa panonood ng naturang pelikula.

"'Yung ano daw, katuwaan, lungkot, galit, ngitngit tapos pag-asa. 'Yun daw ang laman ng pelikula., 'yun ang mensahe," dagdag pa ni Ogie D.

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Read also

Ogie Diaz, sinabing dumagsa ang tumulong kay Andrew Schimmer at misis nito

Sa kanya ngang Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang nakakaantig pusong interview niya kay Andrew Schimmer. Pumalo na sa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel