Ogie Diaz, sinabing dumagsa ang tumulong kay Andrew Schimmer at misis nito

Ogie Diaz, sinabing dumagsa ang tumulong kay Andrew Schimmer at misis nito

- Dumagsa umano ang mga nais na tumulong sa misis ng aktor na si Andrew Schimmer

- Ito ay matapos na mapanood ng milyong-milyong katao ang interview niya rito

- Mas naunawaan kasi ng mga tao ang kalagayan ng misis ni Andrew at maging ang pinagdaraanan nito sa halos mahigit walong buwan nitong pagkakaratay

- Sa dami ng nais na tumulong, nagbigay pa sila ng karagdagang account kung saan pwedeng magpaabot ng tulong pinansyal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa 'Showbiz Update' channel ni Ogie Diaz, nabanggit nitong marami ang nais pang tululong sa misis ni Andrew Schimmer na nasa siyam na buwan nang nakaratay sa ospital.

Ogie Diaz, sinabing dumagsa ang tumulong kay Andrew Schimmer at misis nito
Ogie Diaz, sinabing dumagsa ang tumulong kay Andrew Schimmer at misis nito (Photo from The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na dahil sa marami ang nakapanood ng interview ni Ogie Diaz kay Andrew, dumagsa ang mga nais pang tumulong sa pamilya ng aktor.

Read also

Andrew Schimmer, aminadong nahirapang magpaliwanag sa anak sa sitwasyon ng asawa

"Sa amin nagti-text 'yung iba, nagpi-PM at nagdi-DM na 'pano po namin maibibigay 'yung Gcash kasi nag-exceed na for the month of August," ani Ogie kaya't kinailangang magbigay umano ng panibagong account detail sina Andrew kung saan maari pang ipadala ang mga tulong pinansyal para sa kanyang asawa.

Sa naturang interview, idinetalye ni Andrew ang pag-aalagang ginagawa niya sa misis gayundin sa kanilang dalawang anak.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dasal niyang magkaroon pa siya ng malakas na pangangatawan upang kayanin ang lahat ng kanyang ginagawa dala ng pagmamahal niya sa kanyang pamilya.

Sa kabila ng mga sinasabi ng ilan na tila pagod na ang misis nito, patuloy pa ring inilalaban ni Andrew ang paggaling ng asawa lalo na't nakikita niyang lumalaban din naman ito para sa kanyang buhay.

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Read also

Pokwang, nagbahagi ng mensahe tungkol sa bagong panimula

Sa kanya ngang Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang nakakaantig pusong interview niya kay Andrew Schimmer. Pumalo na sa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel