Toni G, inihalintulad si Alex kay Small Laude sa 'di pagpapahiram ng gamit sa kanyang ate

Toni G, inihalintulad si Alex kay Small Laude sa 'di pagpapahiram ng gamit sa kanyang ate

- Tila naka-relate si Toni Gonzaga sa naibahagi ni Small Laude tungkol sa kanyang ate

- Ayon kay Small, hindi raw niya madalas na mapahiram ng gamit ang kanyang ate

- Bagay na ginagawa rin daw ni Alex Gonzaga kay Toni bilang magkapatid

- Hindi raw nagpapahiram ng gamit si Small sa kanyang ate dahil iniingatan niya ang bawat gamit na ayaw niyang nasisira o nadudumihan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naihalintulad ni Toni Gonzaga si Small Laude sa kanyang kapatid na si Alex pagdating sa umano'y hindi pagpapahiram ng gamit.

Toni G, hinalintulad si Alex kay Small Laude sa 'di pagpapahiram ng gamit sa kanyang ate
Small Laude (@smalllaude)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naging panauhin ni Toni si Small at doon naikwento nito na ayaw niyang ipinahihiram ang kanyang gamit sa kanyang ate.

Bagaman at close naman si Small sa kanyang ate Alice, aminado itong kaagawan din niya ito sa mga gamit.

Read also

Zeinab Harake, may hugot nang mapatiran ng face mask; "Hindi matibay... Bumibitaw!"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Nag-aagawan kami ng shades, ng belt.... I don't want to lend her my mga clothes. Kasi baka madumihan e I'm so maingat with may bags. E si Ate basta ayan, diyan-diyan," kwento ni Small.

Agad namang naisip ni Toni si Alex na hindi rin basta napgpapahiram sa kanya ng gamit.

"Si Alex ganyan. Tapos galit na galit siya sabi niya 'hindi na kita pahihiramin ng bag ko saka gamit ko," ani Toni.

Narito ang kabuuan ng masaya nilang kwentuhan:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang kilalang Filipina singer, television host, actress, producer at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Isa rin siya sa mga kilalang YouTube content creator kung saan na-interview niya ang ilang mga kilalang personalidad sa bansa. Sa ngayon, umabot na sa mahigit 6 million ang kanyang mga subscribers na nakatutok sa mga inspiring stories ng kanyang mga guest linggo-linggo.

Read also

Cristy Fermin kay Karla Estrada; "Na-overwhelm, hindi kinaya ang dating ng pera"

Samantala, si Small Laude naman ay isang Filipino Socialite, Entrepreneur, at nakikilala ngayon sa mundo ng vlogging. Katunayan, umabot na sa mahigit isang milyon ang kanyang mga subscribers na nabibigyan niya ng kasiyahan at inspirasyon sa buhay. Ang kaibigan nitong si Karen Davila ang naka-engganyo sa kanya upang pasukin na rin ang mundo ng pagiging isang vlogger.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel