Zeinab Harake, may hugot nang mapatiran ng face mask; "Hindi matibay... Bumibitaw!"

Zeinab Harake, may hugot nang mapatiran ng face mask; "Hindi matibay... Bumibitaw!"

- Tila may hugot si Zeinab Harake nang biglang mapatiran siya ng face mask habang nagsu-shoot ng kanyang vlog

- Nagtungo ito ng Iloilo para sa isang show at nagawa pa nitong mag-tour isang araw bago ang event

- Kasama ni Zeinab ang kanyang kapatid na si Rana na natatawa na lamang sa mga nasasabi at nagagawa ng kapatid

- Matatandaang naging kontrobersyal ang hiwalayan nina Zeinab at Skusta Clee na talagang napag-usapan online

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila may hugot si Zeinab Harake sa bagong vlog niya kung saan ipinakita niya ang mga kaganapan sa kanilang Iloilo tour kasama ang kapatid na si Rana.

Zeinab Harake, may hugot nang mapatiran ng face mask; "Hindi matibay... Bumibitaw!"
Zeinab Harake: (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na habang kinukuhanan siya ng video, naputol ang strap ng kanyang face mask.

"Hala naputol 'yung face mask ko beh. Hindi matibay. Kasi wala na talagang matibay sa buhay ko e. bumibitaw," ayon kay Zeinab. Napakanta pa ito ng linyang 'akala ko ikaw ay akin.'

Read also

Cristy Fermin kay Karla Estrada; "Na-overwhelm, hindi kinaya ang dating ng pera"

Samantala, mapapanood din sa naturang vlog ang Iloilo trip ni Zeinab. Pinuntahan nila ang mga historical place sa doon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Makikitang nag-enjoy talaga ng husto si Zeinab sa vlog episode na ito:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger-YouTube content creator sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 12.5 million YouTube subscribers.

Kilala rin si Zeinab sa pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya. Bukod dito at pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan. Kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan.

Kamakailan, gumawa ng ingay sa social media ang rebelasyon niya sa ukol estado ng dating karelasyon niyang si Skusta Clee.

Nagsimula ito nang ipaalam niya sa publiko ang kanyang miscarriagè, sa ikalawa sana niyang anak na pinangalanan niyang Moon.

Kapansin-pansin na 'Harake' ang ginamit nitong apelyido na sinundan na ng paghahayag ni Zeinab ng hiwalayan nila ng ama ni Bia.

Read also

K Brosas, kinumpirmang ligtas sila ni Pokwang sa aksidenteng nangyari sa kanila sa Amerika

Naging usap-usapan din ang ilang mga larawan ni Zeinab na pawang mga lalaki ang kanyang kasama. Dahil dito, maraming nag-akala na isa sa mga iyon ay siyang ipinalit ni Zeinab sa dating partner.

Hanggang ngayon, paminsan-minsan pa ring napapag-usapan sa social media ang tungkol sa hiwalayan nina Zeinab at Skusta.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel