Zeinab Harake, nakisaya sa fiesta ng kinalakhang lugar; nag-sampol ng pagiging majorette

Zeinab Harake, nakisaya sa fiesta ng kinalakhang lugar; nag-sampol ng pagiging majorette

- Nakisaya si Zeinab Harake sa fiesta ng kinalakhang lugar sa Bacoor, Cavite

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Isinama niya ang kanyang baby Bia at nais din niyang iparanas dito ang simple at masayang buhay

- Pinakaabangan niya ang mga banda, lalo na at dating majorette si Zeinab

- Kaya naman nang dumaan ang kanyang grupo, bukod sa nagpa-picture ito, nagsampol pa siya ng kanyang baton twirling skills

Ibinahagi ni Zeinab Harake ang pagbabalik niya sa kanyang kinalakhang lugar sa Bacoor, Cavite.

Zeinab Harake, nakisaya sa fiesta ng kinalakhang lugar; nag-sampol ng pagiging majorette
Photo: Zeinab Harake
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nalaman ng KAMI na naki-fiesta sila roon at isinama niya ang kanyang baby Bia.

Sa kanyang pinakabagong vlog, naikwento rin niya ang pag-aabang niya noon sa mga banda na magdaraan at natutuwa raw siyang tingnan ang mga kasuotang uniporme ng mga ito.

Read also

Anthony Leodones, inaming nagkamali siya kay Jamie Bautista noong 2017

Naikwento rin ni Zeinab ang kanyang pagiging majorette gayundin ng kanyang kapatid na si Rana.

Kaya naman nang dumaan na ang bandang kinabibilangan niya dati, talagang nagpa-picture ito at nagsampol pa ng kanyang baton twirling skills na nakadagdag kasiyahan sa mga taga-Bacoor.

"Ganito kasi ako lumaki e, kaya gusto ko kung san ako lumaki doon din si Bia. Magre-reyna rin siya ng Santacruzan, majorette, Mama Mary," ani Zeinab habang karga ang kanyang unica hija.

Aniya, gusto rin niyang ibalik ang ganoong uri ng lifestyle niya na simple ngunit masaya.

Sa naturang vlog din inamin ni Zeinab na nakararanas pa rin umano siya ng panic attack. Gayunpaman, sinisikap daw niyang mapaglabanan ito tulad ng paglabas-labas na kanya nang ginagawa.

Narito ang kabuuan ng kanyang masayang pakikipamiyesta mula sa Zeinab Harake YouTube channel:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 12.5 million YouTube subscribers.

Read also

Zeinab Harake, naiyak habang nakikinuod ng video nina Cong at Viy

Kilala rin si Zeinab sa pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya. Bukod dito at pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan, kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan.

Kamakailan, gumawa ng ingay sa social media ang rebelasyon niya sa estado ng dating karelasyon niyang si Skusta Clee.

Nagsimula ito nang ipaalam niya sa publiko ang kanyang miscarriage sa ikalawa sana niyang anak na pinangalanan niyang Moon.

Kapansin-pansin na 'Harake' ang ginamit nitong apelyido na sinundan na ng paghahayag ni Zeinab ng hiwalayan nila ng ama ni Bia.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel