Chad Kinis sa dance number nila ni Zeinab Harake: "Sayaw lang usapan"

Chad Kinis sa dance number nila ni Zeinab Harake: "Sayaw lang usapan"

- Kinagiliwan ng marami ang dance number nina Zeinab Harake at Chad Kinis sa birthday party ni Baby Bia

- Si Zeinab ay nagdamit bilang si Belle at si Chad naman ang prinsipe sa 'Beauty and the Beast'

- Sa kanilang dance number, nagkulitan ang dalawa na animo'y nagkadampi nga ang mga labi

- Isa lamang si Chad sa mga YouTube content creator na bisita Zeinab sa 1st birthday celebration ng anak niyang si Zebianna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ri ni Chad Kinis ang makulit na dance number nila ni Zeinab Harake sa birthday celebration ng anak nitong si Baby Bia.

Chad Kinis sa dance number nila ni Zeinab Harake: "Sayaw lang usapan walang halikan"
Chad Kinis at Zeinab Harake (Zeinab Harake)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na dahil si Zeinab ang nagbihis 'Belle' na gustong-gusto raw ng kanyang anak, si Chad naman ang nagbihis prinsipe upang makumpleto ang 'Beauty and the Beast' inspired dance number nila.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Subalit dala ng kulitan, may bahagi ang sayaw kung saan tila nagdampi ang labi ng dalawa.

"Mahilig kasi ako sa mga chaka ta's malambot ang labi," makulit na biro ni Zeinab nang matanong siya ni Lassy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa post naman ni Chad, sinabi nitong sayaw lang dapat sana ang kanilang ginawa ng mommy ni Bia.

"Zeinab sayaw lang usapan walang halikan! laptrip sa mga comments. Happy birthday Bia."

Narito ang kabuuan ng kanilang video:

Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung saan kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel. Kasalukuyan na silang mayroong 2.19 million subscribers.

Read also

Lumang post ni Donnalyn Bartolome tungkol kay Skusta Clee, binalikan ng netizens

Kamakailan, ginulantang ni Chad ang publiko sa kanyang anunsyo na isa na siyang "Dada".

Sa kanyang YouTube channel, ikinuwento niya ang pagiging ama dahil inako na niya ang responsibilidad na ito para sa pamangkin na si Rica Lorice.

Anak ito ng kanyang Ate Laarnie subalit sa kasamaang palad, hindi raw umano ito pinanagutan ng nakabuntis sa kanya.

Gayunpaman, handa raw umano si Chad na ibigay ang lahat ng pangangailangan ng pamangkin lalong-lalo na ang pagmamahal ng isang ama. Dahil dito, umani lalo ng papuri si Chad dahil sa kahanga-hanga niyang pagmamahal sa pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel