Lumang post ni Donnalyn Bartolome tungkol kay Skusta Clee, binalikan ng netizens

Lumang post ni Donnalyn Bartolome tungkol kay Skusta Clee, binalikan ng netizens

- Muling nag-viral ang isang post ni Donnalyn Bartolome kung saan binahagi niya sa Facebook ang picture ni Skusta Clee

- Si Skusta Clee ang ex-boyfriend ng malapit niyang kaibigang si Zeinab Harake

- Naging viral ito matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang caption na loyal na umano ito

- Matapos bumaha ng bagong komento ang kanyang lumang post, burado na ang unang caption na nakalagay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi nakaligtas sa mga netizens ang lumang post ni Donnalyn bartolome kung saan binida niya ang boyfriend ng kaibigan niyang si Zeinab Harake. Naging viral ito matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang caption na loyal na umano ito.

Lumang post ni Donnalyn Bartolome tungkol kay Skusta Clee, binalikan ng netizens
Photo from Donnalyn Bartolome (@donna)
Source: Instagram

Makikita sa edit history ng naturang post na ang naunang caption ay "Skusta Clee Gwapo demmnn pero loyal na siya ngayon sorry girls. Taken."

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Matapos nga ang paglalantad ni Zeinab ng umano'y dahilan ng paghihiwalay nila ni Skusta, umani ng matinding bashing si Skusta. Kaya naman, marami sa mga netizens ang nagkomento sa post na ito ni Donnalyn.

Matapos ang ilang sandali ay burado na ang naturang caption.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang isa si Donnalyn sa mga umalma sa mga akusasyon laban kay Zeinab nang unang lumabas ang balita tungkol sa hiwalayan nila ni Skusta.

alaman ang naging pahayag ni Donnalyn Bartolome kaugnay sa umano'y pinagdadaanan ng kaibigan. Aniya, kung alam lang ng mga tao ang kanyang nalalaman ay kakaawaan nila si Zeinab at ito umano ang pinakamasakit ng pinagdadaanan ni Zeinab.

Aniya ay pagdadasal na lamang niya ang kaluluwa ng mga nag-aakusa ng hindi magagandang bagay kay Zeinab sa gitna ng pinagdadaanan nito. Nabanggit din ni Donnalyn ang tungkol sa mga akusasyon kaugnay sa loyalty ng kaibigan niya sa kabila ng mga nangyari.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Sa kabila naman dumaraming mga request ng fans noon, sinabi ni Donna kung bakit hindi sila pwedeng mag- "Jowa Challenge" ni Hashim Alawi.

Kamakailan ay ibinahagi ni Donnalyn ang dahilan kung bakit hindi madali para sa kanya ang mag move-on sa kanyang ex-boyfriend.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel